Sana all! Teen Couple, Pinatunayan na Hindi Hadlang ang Love Life Para Makapagtapos
Noong tayo'y bata pa, lagi tayong pinapaalalahanan ng ating mga magulang na huwag munang magbo-boyfriend o girlfriend. Sabi ng matatanda, mas mabuting mag-focus muna tayo sa ating pag-aaral imbes na sa love life. Ngunit may mga batang couple din naman ang nagpatunay na hindi hadlang ang pagbo-boyfriend sa iyong pag-aaral!
Sa halip ay maaaring gamitin ang love life bilang inspirasyon sa buhay. Ito ang nakakaantig na istorya ng teen couple na ito na mula sa Davao. Elementary pa lang ay mayroon nang espesyal na pagtingin si Vande Alagao at Janica Eleria sa isa't-isa. Ngunit hindi nila inaasahan na ang kanilang puppy love ay tatagal pala!
Nagkakilala si Janica at Vande noong sila ay Grade 2 pa lamang. Iisang school lang sila ng pinasukan, kung kaya't hindi napigilan na magkalapit sila sa isa't-isa. Lumipas ang mga taon at tuluyan na silang naging official na magboyfriend at girlfriend noong sila ay tumungtong sa Grade 6.
Ngunit pagtungtong nila ng high school, magkahiwalay na school na ang pinasukan ni Vande at Janica. Dahil dito, isa o dalawang beses lang silang magkita kada taon. Ngunit kahit magkalayo man, mas lalo lang nitong pinagtibay ang pagsasama nila! Sa kanyang 3rd year, nagpasya ang nanay ni Janica na i-transfer siya sa school ni Vande.
At dito na tuluyang nagbago ang samahan nila. Ang dating puppy love ay tuluyan ng naging serious relationship ngayon. Dahil mga binata at dalaga na sila, sinuportahan rin ng kani-kanilang pamilya ang relasyon ni Vande at Janica. Sinuklian naman nila ang tiwalang ito sa pamamagitan ng pag-graduate sa senior high school.
Ngayon ay ready na si Vande at Janica na sumabak sa mundo bilang college students. Mahirap man, alam naman nila na kasama nila ang isa't-isa sa daan patungong tagumpay. Sana'y lahat ng young couples ay tularan ang nakaka-inspire na love story ni Vande at Janica!
Kinilig ka rin ba sa nakaka-inspire na love story ng dalawang elementary lovers na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sana all! Teen Couple, Pinatunayan na Hindi Hadlang ang Love Life Para Makapagtapos
Reviewed by Publisher
on
November 12, 2019
Rating:



Post a Comment