Sampung Piso Lang ang Hinihingi Niya, Ngunit Higit pa ang Binigay sa Kanya!


Kung nilapitan ka ng lalaking ito upang manghingi ng tulong, tutulungan mo ba siya? Marahil ay hindi, dahil maraming tao na ngayon ang nag-iingat na mabiktima ng manloloko. Ngunit may mga tao rin naman na tapat at talagang nangangailangan ng tulong. Isa na rito ay ang lalaking ito, na nagbaka-sakaling matutulungan siya ng ibang tao.

Ibinahagi ng Good Samaritan na ito na kanyang nakaka-touch na istorya sa Facebook. Ayon sa lalaking ito, pauwi na siya mula sa trabaho nang lapitan siya ng isang estranghero. Kinalabit siya nito at di nag-atubili na humingi ng Php 10 upang pangdagdag sa gatas ng anak niya.



"Kuya baka may Php10 ka dagdag lang sana para pambili ng gatas ng anak ko! “Hindi po ako masamang tao, Sir! Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko," ito ang pahayag ng estranghero, na nagpakilala bilang Jeric.

Ngunit hindi inaakala ni Jeric na higit pa sa Php 10 ang matatanggap niya! Kahit walang pera, nagdesisyon ang good Samaritan na tulungan ang tatay na ito. Pumasok sila sa pinakamalapit na grocery upang bumili ng gatas at pagkain para may maiuwi si tatay sa bahay nila.


Hindi maipinta ang saya sa mukha ni Tatay Jeric matapos makita ang mga pinamili ng lalaki! Bukod sa gatas ay bumili rin ito ng karne at pagkain na pang-ulam ng kanyang pamilya. Dahil dito, labis labis ang pasasalamat niya sa mabait na lalaki:

"Sir, di alam ng asawa ko ngayong araw namamalimos lang ako ngayon makapagdala lang gatas at pagkain ng baby namin, kaya lang naman naming magtiis dalawa sa asin at suka. Kawawa lang talaga mga bata."

Sa kabilang banda, nag-viral naman sa Facebook ang nakaka-touch na istoryang ito. Maraming netizens ang sumaludo sa Good Samaritan na handang tumulong sa mga sawing-palad.



Na-inspire ka rin ba sa kwento ng kabaitan na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sampung Piso Lang ang Hinihingi Niya, Ngunit Higit pa ang Binigay sa Kanya! Sampung Piso Lang ang Hinihingi Niya, Ngunit Higit pa ang Binigay sa Kanya! Reviewed by Publisher on November 12, 2019 Rating: 5