Bullying sa "Team Pacquiao," Kinukunsinti nga ba ni Manny?


Kamakailan lang ng lumutang sa social media ang isang video na diumano pagpapahiya sa isang lalaki. Makikita sa maikling video ang pagsampal sa isang lalaki sa harap mismo ni Senator Manny Pacquiao. Matapos ipakita ang pananampal sa lalaki ay makikita ding nagtawanan ang mga nakapaligid na tao. Kasama sa mga nakitawa ay si Manny na tila nag-enjoy pa sa nangyari.

Kilala ang ating "Pambansang Kamao" hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Hindi na mabilang ang beses na nag-uwi ng karangalan para sa bansa si Senator Manny Pacquiao sa larangan ng boxing. Dahil dito, maraming tao ang nadismaya sa kanilang nakitang inasal ni Pacman sa video.



Marami ang agad na nag-react sa viral video. Inakusahan ang pambansang kamao na kinukinsinte ang hindi magandang pagtrato sa isang ka-teammate sa Team Pacquiao. Ang mga netizens ay may sari-saring komento sa nagaganap na diumanoy bullying sa loob ng grupo.

Sa maikling video na kumalat, marami na agad ang humusga kung paano tinatrato ng Team Pacquiao ang kanilang mga miyembro. Hindi naiwasan ng madla ang kwestyunin si Pacman, ngunit mayroon rin namang dumipensa sa boxer at sinabing baka na-misinterpret lamang ang video.



Matapos ang mahabang pananahimik ay nilinaw ng Team Pacquiao ang lumabas na video. Sa kanilang paliwanag ay lumabas ang totoong nagaganap sa viral video.

Pinaliwanag ng nasabing grupo na mali ang inaakala ng madami tungkol sa kumalat na video. Isa umano itong biruan at katuwaan lamang sa loob ng team. Dinagdagan pa ito ng sabihin ng team na hindi sila pabor sa bullying at walang bullying na nagaganap sa loob at labas ng team.


Malikot talaga ang isip ng mga tao at madaling hinusgahan ang Team Pacquiao dahil sa walang bahid na pagbibiruan ng grupo.


Isa ka ba sa mga nagreact sa nasabing video? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bullying sa "Team Pacquiao," Kinukunsinti nga ba ni Manny? Bullying sa "Team Pacquiao," Kinukunsinti nga ba ni Manny? Reviewed by Publisher on November 11, 2019 Rating: 5