Rumored Girlfriend ni Andre Paras, Ibinunyag Na!


Panahon na naman ng Pasko, siguradong kaliwa't-kanan na naman ang mga family gatherings. Sa mga okasyong ito hindi maiiwasan na may magtanong kung kailan mo balak magkaroon ng kapareha. Sa panahon ngayon nagiging big deal na ang pagkakaroon ng partner lalo na't malapit na ang kapaskuhan. Maging ang mga artista ay hindi din ligtas sa mga ganitong sitwasyon.

Tila humahabol naman sa pasko ang lovelife ng sikat na artistang si Andre Paras. Si Andre ay anak ng dating artista na si Jackie Foster at ng basketball player at dating artista na si Benjie Paras. Kilala din si Andre bilang nakakatandang kapatid nang magaling na basketball player na si Kobe Paras.



Nagumpisa ang career ni Andre nang maaga at marami na itong naging partner sa industriya kagaya ni Barbie Forteza na ilang beses na naisyu sa kanya.

Kamakailan lang nang pagusapan na naman ang binata matapos ito magpost ng isang larawan sa social media. Pinost ni Andre Paras sa Instagram ang litrato niya na kasama ang co-star na si Ashley Ortega. Makikita ang closeness ng dalawa sa IG post . Nakayakap ang binata kay Ashley habang nakatalikod.



Matatandaan na bukod sa pagiging artista, sikat din na figure skater si Ashley Ortega na nakasali na sa Summer Skate 2018. Sa event na din ito namataang nanood at sinuportahan ni Andre ang dalaga. Makikitaan ang dalawa na parehong may hilig sa sport.

Sa kabilang banda marami naman ang natutuwa sa balitang ito dahil matagal na din na single si Andre Paras. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa magkabilang kampo tungkol sa estado ng dalawa. Sa mga litratong lumalabas tila nagsasalita na ang mga ito na sila ay nagkatuluyan na at lalo pang nagkakamabutihan.


Sari-sari naman ang naging reaksyon ng netizen sa IG post. Marami pa din ang naghihintay nang kumpirmasyon ng dalawa na nanatili pa ding tahimik.

Ano ang masasabi mo sa rumored girlfriend ni Andre Paras? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Rumored Girlfriend ni Andre Paras, Ibinunyag Na! Rumored Girlfriend ni Andre Paras, Ibinunyag Na! Reviewed by Publisher on November 19, 2019 Rating: 5