Robin Padilla, Naiyak Matapos Itong Gawin ng Anak Niyang Panganay!



Lahat tayo ay may kani-kaniyang pangarap sa buhay hindi lang para sa ating sarili kundi para narin at ating nga minamahal. Sinisikap nating gawin ang lahat masigurado lang na walang makakahadlang sa pag-abot natin sa ating mga mithiin. Kadalasan sa pag-aasam ng marangyang buhay para sa ating pamilya ay pinipili na lang natin ang mawalay sa kanila para sa kanilang kapakanan.

Ang isa sa mga halimbawa nito ay kung paano pinakita ng aktor na si Robin Padilla ang pagmamahal sa panganay niyang anak. Matatandaan na nagkaroon ng isang supling sa dating aktres na si Leah Orosa ang action star.




Mula bata hanggang magkaisip ay hindi lumaki sa piling ng ama ang ngayong model na anak ni Robin na si Camille Orosa. Ibinahagi ng panganay ni Robin na ang kanilang landas ay pinaghihiwalay hindi lang ng distansya maski pati ng iba-ibang pangyayari nila sa buhay katulad ng pag-aaral nito sa States.

Mahigit limang taon din bago magkita muli ang mag-ama. Ito ay ginawang possible ng step mom at bagong maybahay ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla. Diumano ay ginawang tulay ng aktres ang kanyang sarili upang magtagpo muli ang mag-ama.


Sa isang maramdaming video na ishinare online ay pinakita kung paano nasorpresa ang aktor sa hindi inaasahang pagdating ng kanyang anak. Bakas sa mga yakap ni Robin ang pangungulila sa kanyang panganay, tinugunan naman ito ni Camille ng mahigpit na yakap.

Matapos ang maramdaming engkwentro ay ibinahagi ng magama sa kani-kanilang Instagram account ang larawan ng isa't-isa na may nakakabagbag damdaming mensahe.

Makikita na bagamat matagal man ang naging reunion ng dalawa ay hindi naman pinabayaan ni Robin Padilla ang pagsuporta sa mga pangarap ng kanyang anak. Patuloy pa rin nagaabot ng suporta ang aktor sa pagaaral ng kanyang anak sa ibang bansa.




Ganito rin ba kayo ka-close sa inyong ama? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Robin Padilla, Naiyak Matapos Itong Gawin ng Anak Niyang Panganay! Robin Padilla, Naiyak Matapos Itong Gawin ng Anak Niyang Panganay! Reviewed by Publisher on November 25, 2019 Rating: 5