Nadine, Nag-React sa Sinabi ni James Reid na Ayaw pang Magka-Baby
Sa showbiz industry, maraming fans ang laging curious tungkol sa love life ng kanilang mga paboritong love teams. Takaw atensyon ang paksang ito lalo na sa mga reel-to-real love teams na nauwi sa seryosohan. Isa na dito ay ang pinakasikat na showbiz couple ng ating panahon ay si James Reid at Nadine Lustre, na mas kilala bilang Jadine.
Makikitang seryoso na ang dalawa matapos i-anunsyo kamakailan lang ang kanilang pagsasama sa iisang buong. Maraming tanong ang hinarap ng Jadine dahil sa desisyong ito. Isa na nga sa mga ito ay kung may balak na ba bumuo ng sariling pamilya si Nadine Lustre at James Reid. Matagal din na naging tahimik ang celebrity couple kahit sunod-sunod ang pambabatikos sa kanila ng mga kritiko.
Kamakailan lang ng binasag ito ni Nadine Lustre sa isang exclusive interview. Nilinaw ng aktres ang plano nila bilang magkalive-in partner ni James Reid para sa hinaharap at sa sensitibong paksa ng pagbuo ng pamilya.
Sa midnight talk show na "Tonight with Boy Abunda," ibinahagi ni Nadine Lustre ang pag-amin na hindi pa sila handa bumuo ng pamilya sa ngayon. Nagkasundo ang Kapamilya star na si Nadine Lustre at James Reid nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng anak.
"I don't know if I want to bring another life into the world, the way it is now," ito ang pahayag ng Star Magic actor sa isang hiwalay na interview. Ano naman kaya ang masasabi ng kanyang girlfriend tungkol dito?
Sinegundahan naman ito ng nobya niyang. si Nadine Lustre. Sa kanyang interview kay Tito Boy, sinuportahan ni Nadine ang desisyon ni James ng sabihin nito: "I agree with him, a lot of stuff is happening and I'm not yet ready kasi marami pa akong gustong gawin."
Ngunit kait wala pa silang balak lumagay sa tahimik, hindi naman maipagkakaila na payapa at masama ang Jadine sa kung ano mang meron sila ngayon. Relationship goals talaga si James at Nadine!
Ano ang iyong komento sa desisyon ng JaDine? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Nadine, Nag-React sa Sinabi ni James Reid na Ayaw pang Magka-Baby
Reviewed by Publisher
on
November 25, 2019
Rating:






Post a Comment