"Mariah Carey ng Pinas"- Jonalyn Viray, Pinanganga ang mga Audience sa Mala-Operang Performance sa ASAP


Sa ating bansa, hindi tayo mauubusan ng mga magagaling na singer. Sa katunayan, isa sa mga ipinagmamalaki ng Pilipinas ay ang ating mga word-class singers, na kayang-kaya makipagsabayan sa mga premyadong singer sa buong mundo. Kabilang sa mga naglalakihang pangalan sa pagkanta ay si Regine Velasquez, Rachelle Ann Go, Sarah Geronimo, at iba pa.

Isa sa mga talentadong singer ngayon ay si Jonalyn Viray. Sumikat si Jona matapos siyang sumali sa "Pinoy Pop Superstar." Pinalad ang 29-anyos na singer na tanghalin bilang grand winner, na naging daan upang pasukin niya ang showbiz industry. Ngayon, isa na siya sa mga kinikilalang female singers sa Pilipinas.



Kamakailan lang ay napanganga ni Jonalyn Viray ang kanyang mga fans sa kanyang performance. Sa pagbisita ng ASAP sa Rome, nag-perform ang Kapamilya singer ng isang kakaibang pyesa na hindi niya pa nasusubukan dati. Talaga namang nanindig ang balahibo ng mga fans sa taas ng boses ni Jona!

Sanay na ang mga fans tuwing kumakanta si Jonalyn Viray ng matataas na kanta. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi nila inaasahan ang kanyang natatagong talento! Bukod sa pagiging magaling na performer, sinong mag-aakalang pwede rin palang maging opera singer si Jonalyn?



Ang kantang ito ay ang "Queen of the Night" na cinompose ni Mozart. Ang pyesang ito ay kadalasang kinakanta ng mga opera aria, katulad na lamang ng sikat na German opera performer na si Diana Damrau. Sa performance ni Jona, ipinamalas niya ang kanyang malawak na vocal range.

Dahil dito, maraming fans at netizens ang natuwa sa makapanindig-balahibo na performance ni Jonalyn Viray. Sa social media, marami ang nagpaabot ng kanilang papuri sa singer. Hindi rin nila inaasahan na kaya pala ni Jona ang mala-operang klase ng performance.


Ang kanyang video sa Facebook ay umabot na ng mahigit sa 20,000 shares! May iba pa ngang binansagan siya na Mariah Carey ng Pinas. Panoorin ang kanyang nakakamanghang performance dito:


Namangha rin ba kayo sa kakaibang talento na ipinamalas ni Jonalyn Viray? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates sa inyong favorite celebrities, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.

"Mariah Carey ng Pinas"- Jonalyn Viray, Pinanganga ang mga Audience sa Mala-Operang Performance sa ASAP "Mariah Carey ng Pinas"- Jonalyn Viray, Pinanganga ang mga Audience sa Mala-Operang Performance sa ASAP Reviewed by Publisher on November 25, 2019 Rating: 5