Rayver Cruz at Janine Guttierrez, Sweet na Sweet sa Engrandeng Paris Vacation


Mula sa simpleng tao, hanggang sa mga artista ay may kanya-kanyang lugar na nais marating. Lahat tayo ay may dream destination kasama ang ating mga mahal sa buhay. Nasa loob o labas man ito ng bansa ay talaga nga namang mas nagiging espesyal ang bawat lugar basta kasama ang tamang tao.

Isa na rito ang rumored celebrity couple na si Rayver Cruz at Janine Gutierrez. Hindi pa man kumpirmado ang estado ng kanilang relasyon, mukhang hindi na kailangan ng mga salita, dahil sa kilos pa lang nila ay kikiligin na kayo! Kamakailan ay namataan ang rumored couple na masayang nagbo-bonding sa Paris para sa kaarawan ni Janine.


Sa social media, ibinahagi ng rumored celebrity couple ang kanilang mga larawan habang ini-enjoy nila ang una nilang pagpunta ng magkasama sa City of Love. Bakas sa mukha ng dalawa ang saya nila sa paglilibot sa nasabing lugar.

Makikita sa mga Instagram post ng sweet couple ang naggagandahang larawan na pinuntahan nila sa Paris. Isa sa mga sikat na tourist destination na kanilang binisita ay ang Versailles Palace, na nagsilbing tirahan ng mga French royalties dati.




Sa mga IG post ng Kapuso star na si Janine Guttierez, makikita ang nagagandahang outfit na dala nito para sa kanilang pamamasyal. Pose dito at pose doon ang ginawa ng dalaga sa mga landmarks na makikita sa France.

Makikita naman sa mga post ni Rayver Cruz ang pagkahumaling nito sa mga maliliit at malalaking detalye ng mga lugar na kanilang dinalaw. Hindi nagpahuli ang binata sa pagpapakita ng simple at talaga nga namang malakas na dating nito sa kanyang mga suot.

Ibinahagi ng aktor ang kanilang karanasan sa Paris sa isang interview. Si Rayver diumano ang naging punong abala sa pagpaplano para sa kanilang trip.




"Maganda, tuwang-tuwa ako. Sobra akong natuwa, parang bata dun sa buong trip," ito ang dagdag ni Rayver habang inaalala ang kanilang engrandeng Paris vacation. Labis ang saya ni Rayver Cruz at Janine Guttierez tungkol sa kanilang maikling panahon ng pagbisita sa Paris.

Ikaw, pangarap mo rin bang makarating sa City of Love? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Rayver Cruz at Janine Guttierrez, Sweet na Sweet sa Engrandeng Paris Vacation Rayver Cruz at Janine Guttierrez, Sweet na Sweet sa Engrandeng Paris Vacation Reviewed by Publisher on November 27, 2019 Rating: 5