"Parang magkapatid lang"- Donna Cruz at Unica Hija Niya, Parang Pinagbiyak na Bunga!.


Mahirap ang buhay-artista. Kadalasan, sa sobrang pagiging busy ay hindi na nila masyadong napaglalaanan ng oras ang kanilang personal na buhay at pamilya. Masaklap man, ito ang kapalit ng kanilang kasikatan. Dahil dito, maraming celebrities ang mas piniling talikuran ang showbiz upang mag-focus sa kanilang personal na buhay.

Isa sa mga artista na hindi takot talikuran ang industriya ay si Donna Cruz. Naaalala niyo pa ba siya? Isa si Donna sa mga primyadong aktres ng kanyang panahon, at talaga namang marami ang nahumaling sa angking ganda niya. Ang dating singer ay sumikat matapos mag-release at mag-produce ng napakaraming song hits.



Matapos umalis sa limelight ay bumuo na ng sariling buhay ang aktres sa Cebu. Bumuo ang teenage wonder ng isang pamilya kasama ang kanyang asawang doktor, at di nagtagal ay biniyayaan sila ng tatlong anak. Ngayon, malalaki na ang mga anak ni Donna.

Sa katunayan, kamakailan lang ng nag-celebrate ang pamilya ng 20th birthday ng kanilang unica hija na si Ysabelle Larrazabal o mas kilala sa tawag na Belle. Tila pinagbiyak na bunga ang mag-ina dahil mapagkakamalang magkapatid habang magkatabi.



Bukod sa kanilang pagkakahawig, mukhang malapit rin sa isa't-isa ang mag-ina. Sa kaarawan ng kanyang anak, nag-dedicate si Donna ng isang nakaka-touch na mensahe para sa kanyang unica hija sa Instagram:

"Everytime I try to define the real meaning of beauty, it's my daughter -Belle that first comes into my mind.. her pure and beautiful heart reflect on her eyes and soul," pahayag ni Donna sa kanyang IG post matapos i-tag ang kanyang anak na si Belle.

Makikita sa mga post sa social media ang closeness ng buong mag-anak sa isa't-isa. Talaga nga namang sulit ang ginawang sakripisyo ni Donna Cruz para sa kanyang binuong pamilya dahil puno sila ng pagmamahal. Tuluyan man niyang tinalikuran ang showbiz, naka-jackpot naman siya sa kanyang pamilya!


Nami-miss mo na rin bang bumalik sa showbiz industry si Donna Cruz? Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Parang magkapatid lang"- Donna Cruz at Unica Hija Niya, Parang Pinagbiyak na Bunga!. "Parang magkapatid lang"- Donna Cruz at Unica Hija Niya, Parang Pinagbiyak na Bunga!. Reviewed by Publisher on November 26, 2019 Rating: 5