Happy Family: Pamilya ni Andi, Kumpleto sa Simpleng Binyag ni Baby Lilo
Talaga nga namang isang malaking biyaya ang pagdating ng isang baby sa pamilya. Ang baby ay isang blessing na nagbibigay ng kasiyahan sa isang pamilya. Challenging man ang magpalaki ng isang sanggol, sulit na sulit naman ang pagod at puyat lalo na pag nakikita ang mga ngiti ni baby! Pinagubuklod-buklod rin nito ang pamilya sa pag-aaruga at pagmamahal.
Pagkatapos ipanganak ay tiyak na ang kasunod na okasyon ay ang kanilang most-awaited na binyag. Isa itong sagradong event kaya naman hindi maiiwasan ng pamilya na tiyaking engrande ang once-in-a-lifetime na experience na ito ni baby.
Matatandaan na ang artistang si Andi Eigenman ay tuluyan na nga umalis sa limelight upang mamuhay nang tahimik. Pinuri ng mga netizens ang matapang na desisyon ng artista na lisanin ang showbiz industry para sa pagpapamilya. Ngunit worth it naman ang naging desisyon ni Andi, dahil mas nakapag-focus siya ngayon sa kanyang pamilya.
Kasama ang kaniyang live-in-partner na isang surfer si Philmar Alipayo, nagsettle na ito sa kanilang humble home sa isang beach front sa Siargao. Kitang-kita kung gaano kasaya at ka-kontento si Andi ngayon sa kanyang simpleng buhay kasama si Philmar, Eli, at si Baby Lilo.
Kamakailan lang ay nadgdagan ang kanilang small family sa pagdating ng second baby ni Andi na si Baby Lilo. Sa isang intimate ceremony ay bininyagan si Baby Lilo kasama ang mga matalik na kaibigan at kapamilya ni Andi at Philmar. Bakas sa pamilya ang closeness na hindi matatawaran.
Makikita sa mga IG stories ng dating star ang simpleng seremonya na ginanap sa simbahan. Sinigurado ni Andi na sa kanilang selebrasyon ay magagabayan at makakatanggap ng blessing ang kaniyang mga anak mula sa Diyos.
Makikita din na nagbahagi si Andi nang kanilang family picture kasama ang una nitong anak na si Elliesa, na first baby girl niya mula sa kanyang dating karelasyon na si Jake Ejercito.
Pribadong namumuhay man ay hindi maiwasan nang madla ang magkomento sa binubuong pamilya ni Andi. Talaga nga namang pinagpapala ngayon si Andi sa kanyang buhay pamilya.
Ano ang masasabi mo tungkol sa pamilya ni Andi? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Happy Family: Pamilya ni Andi, Kumpleto sa Simpleng Binyag ni Baby Lilo
Reviewed by Publisher
on
November 27, 2019
Rating:

Post a Comment