Raffy Tulfo, Naglabas na ng Saloobin sa National Television, May Mensahe sa Nakikisawsaw


Isang linggo matapos pumutok ang isyu tungkol sa guro, naghayag na ng kanyan saloobin ang host na si Raffy Tulfo. Matatandaang marami ang nadismaya sa host sa kanyang pag-handle sa kaso ng teacher na nagpalabas ng estudyante sa classroom. Upang matuldukan na ang mga maling balita, sa wakas ay nagsalita na si Raffy Tulfo.

"Nagiging circus na po. Paano po ba tayo napunta sa sitwasyong ito?" Ito ang bungad na pahayag ni Raffy Tulfo sa kanyang program na "Aksyon sa Tanghali." Minabuti ng host na ipaliwanag ang kanyang panig upang mapigilan na rin ang pagkalat ng mga maling balita sa social media.



Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo na siya'y "mediator," o tagapagpamagitan lamang sa isyu. Ngunit dahil may batang na-involved, hindi niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin, bagay na inamin naman niya sa buong national television.

"There was a lapse in judgment. And I acknowledged that. Kaya nga po nung last Friday, wala po ako rito pero phone patch ako po ay nagsabi na talagang merong lapse of judgment on my part at yun naman po ay binabawi ko na. Kaya yung guro ay hindi na niya kailangang mag-resign."





Bukod pa dito, inamin din ni Tulfo na labis siyang nalulungkot hindi para sa sarili niya, kundi para sa batang estudyante. Ayon kay Tulfo, bilang public figure ay sanay na siya sa mga kritiko, ngunit sa isyung ito, ang tunay na biktima ay ang batang napahiya ng kanyang guro.

Dagdag rin ni Tulfo na karamihan sa mga kritiko ay nakalimutan na ang batas na dapat ay nagpo-protekta sa mga bata. Binanggit ng host ang "zero tolerance policy" sa kahit anong klase ng abuso, mapa-psychological o physical man. At sa kainitan ng mga pangyayari, mas lalo lamang nadadagdagan ng trauma ang bata.


"I will continue to be the advocate of children abus3d," ito ang pahayag ni Tulfo. Sa huli, nakiusap ang beteranong host na itigil na ang pakikisawsaw sa ganitong isyu. Panoorin ang kanyang buong pahayag dito:


Ano ang masasabi mo sa pahayag na ito ni Tulfo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Raffy Tulfo, Naglabas na ng Saloobin sa National Television, May Mensahe sa Nakikisawsaw Raffy Tulfo, Naglabas na ng Saloobin sa National Television, May Mensahe sa Nakikisawsaw Reviewed by Publisher on November 26, 2019 Rating: 5