Mga Kasambahay ni Robin at Mariel, Spoiled na Spoiled ng Celebrity Couple
Hindi madali ang trabaho ng mga kasambahay. Buong araw silang naglilinis, naglalaba, nagluluto, at kung ano-ano pa para lang maging maayos ang bahay ng kanilang amo. Ngunit kadalasan, hindi natin naa-appreciate ang mga sakripisyo ng ating kasambahay. Sa katunayan, may mga amo pa nga na malupit ang trato sa kanilang mga kasambahay.
Ngunit para sa mag-asawang si Robin Padilla at Mariel Rodriguez, pamilya na ang turing nila sa kanilang mga kasambahay. Hindi katulong ang tingin nila dito, kundi parte na ng pamilya na dapat ay mahalin at igalang. Kaya naman marami ang bumibilib sa diskarte ng mag-asawa pagdating sa kanilang mga kasambahay!
Kung inyong matatandaan, nitong nakaraang Mother's Day, may sorpresa si Robin at Mariel sa kanilang mga kasambahay. Upang iparamdam ang kanilang pagmamahal at appreciation, binigyan ni Mariel at Robin ng bouquet of flowers ang isa isa nilang mga empleyado. Ngunit hindi lang diyan nagtatapos ang kabaitan ng mag-asawang ito.
Kamakailan lamang ay nag-share ng masayang video ang mag-asawa sa social media. Hindi lang puro trabaho, dahil alam nila Robin at Mariel na kailangang-kailangan din ng kanilang mga tauhan ang mag-relax paminsan-minsan. Sa video, makikitang nagdaos ng palaro si Robin para sa mga empleyado niya sa bahay.
Sa palarong ito, kukunin ng mga kasambahay ang mansanas sa isang palanggana. Ayon kay Robin, ang mananalo ay magwawagi ng tumataginting na cash prize na Php 2,000! Dahil dito, kanya-kanya namang diskarte ang mga kasambahay upang manalo ng papremyo. Kitang-kita talaga na masaya sila at pamilya na ang turingan sa isa't-isa.
Sa kabilang banda, pinuri naman ng mga netizens ang mag-asawa. Bilang public figures, nagsisilbi silang huwaran sa mga tao na ituring na pamilya ang kanilang mga empleyado. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit madami ang blessings ng pamilyang ito, dahil marunong rin silang mag-share ng kabutihan.
Ikaw, namangha ka rin ba sa pagtrato ni Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang mga kasambahay? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mga Kasambahay ni Robin at Mariel, Spoiled na Spoiled ng Celebrity Couple
Reviewed by Publisher
on
November 26, 2019
Rating:



Post a Comment