13-Anyos na Genius, Diumano'y Sumasahod ng P6 Million Kada Buwan sa Google
Ano ang ginagawa mo noong trese anyos ka? Karamihan sa atin ay busy sa paglalaro at pag-aaral. Ngunit para kay Tanmay Bakshi, isang Canadian national, sa edad na trese ay nakapagsulat na siya ng sarili niyang libro! Haka-haka rin ng marami na mayroon siyang bigating job offer mula sa Google.
Kumakalat ngayon sa social media ang interview ni Bakshi, kung saan ipinamalas niya ang kanyang malawak na kaalaman. Ayon sa mga kumakalat na video, si Bakshi ay nakasungkit ng job offer sa Google, at may offer na USD 120,000 kada buwan, o mahigit Php 6 million!
"Mainly, I like to call myself a software and cognitive developer, because I love developing with cognitive computing and artificial intelligence. I'm an algorithmist, I love designing and implementing algorithms," ito ang pahayag ni Bakshi sa kanyang talk show interview kung saan pinahanga niya rin ang mga host.
Sa kanyang edad na trese anyos ay nasa 9th grade na si Bakshi. Ayon sa kanya, mas pinili niya ang maging home-schooled kaysa pumasok sa paaralan. Gayunpaman, mukhang mas pabor dito si Bakshi, dahil mas nakakapag-focus siya sa kanyang mga hilig, tulad na lamang ng AI development.
At kung hindi pa kayo na-impress diyan, siguradong mamamangha kayo sa susunod na ibinahagi ni Bakshi. Sa mura niyang edad, sinong mag-aakalang nakapagsulat na pala siya ng libro? Sa kanyang interview, ibinunyag niya na kasalukuyan siyang nagsusulat ng libro tungkol sa IBM Watson.
Upang maibahagi ang kanyang kaalaman, mayroon ding Youtube channel si Bashi na "Tanmay Teaches." Sa kasalukuyan ay mayroon itong mahigit sa 316,000 subscribers na nakaabang sa mga updates at lectures niya tungkol sa machine learning, Science, Math, at programming.
Gayunpaman, si Tanmay na mismo ang nagsiwalat ng katotohanan tungkol sa kanyang diumano'y job offer mula sa Google. Sa isang interview, nilinaw ng child genius na wala itong katotohanan, at hindi nag-offer ang Google ng trabaho sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ay willing naman daw siya kung mabibigyan ng pagkakataon.
Panoorin ang kanyang dating interview dito:
Namangha ka rin ba sa talento ng child genius na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
13-Anyos na Genius, Diumano'y Sumasahod ng P6 Million Kada Buwan sa Google
Reviewed by Publisher
on
November 26, 2019
Rating:

Post a Comment