Original Composer ng Manok na Pula, Nag-Reklamo kay Raffy Tulfo
"Napadaan sa sabungan, may nagsisigawan.." Pamilya ba kayo sa lyrics na ito? Sumikat ang kantang "Manok na Pula" dahil sa catchy na tunog at kwelang lyrics na ito. Ang kantang "Manok na Pula" ay tungkol sa isang sabungero na ipinatalo ang lahat ng kanyang pera, kaya naman nagbangayan sila ng misis niya!
Ang "Manok na Pula" ay ginawan ng cover ni Vic Desucatan, na agad namang nag-trending. Sa Youtube ay umabot na ng halos 14 million views ito. Dahil siya ang pinakasikat na version, ang akala ng karamihan ay si Desucatan rin ang nag-compose ng kantang ito, ngunit malayo pala ito sa katotohanan.
Ang totoong composer ay walang iba kundi si Joemarie Torillo. Lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang nagpauso ng "Manok na Pula," na nilapitan niya ng musika ng sikat na kanta ni Anne Murray na "Just Another Woman in Love." Ngunit mukhang hindi natuwa ang original composer na ginawang pag-aangkin ni Desucatan sa kanta niya.
Dahil dito, dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang composer. Sa "Aksyon sa Tanghali," inireklamo ni Torillo ang diumano'y pang-aakin ni Desucatan sa kanyang kanta. Ayon sa 47-year-old na security guard, hindi humingi ng pahintulot sa kanya si Desucatan na gawan ito ng cover.
Sa kanilang interview, isiniwalat rin ni Torillo ang kanyang inspirasyon sa paggawa ng kanta. Ayon sa security guard, naisipan niya itong isulat dahil sa kanilang kapitbahay na sabungero. Ang pagtaya daw nito sa sabungan ay lagi nilang pinagtatalunan mag-asawa, kaya naman naisipan niyang gawan ito ng kanta.
Sa kabilang banda, iginiit naman ng vlogger na si Desucatan na naglagay siya ng credits sa kanyang kanta, ngunit hindi nga lang nabanggit ang pangalan ni Torillo. Gayunpaman, sinabi niya na hindi niya rin pinagkakitaan ang kanta, dahil muntik pa siyang ma-copyright ng original singer na si Anne Murray.
Paano kaya nila ito mareresolba? Nais mo rin bang panoorin ang duet nila? Tunghayan ang buong pangyayari dito:
Kaninong version ang mas gusto niyo, kay Desucatan ba, o sa original composer na si Torillo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Original Composer ng Manok na Pula, Nag-Reklamo kay Raffy Tulfo
Reviewed by Publisher
on
November 24, 2019
Rating:

Post a Comment