"Napakabastos"- Ate Gay, Umalma sa Parinig ni Vice Ganda sa Showtime


Kilala ang komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang mga kwela at palabang biro. Ngunit kadalasan, hindi lahat ng tao ay natutuwa sa mga paandar at biro ng "It's Showtime" host. Kamakailan lang ay inalmahan siya ng kanyang kapwa komedyante na si Ate Gay matapos niya itong patutsadahan sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions."

Habang ini-interview ni Vice ang isang TNT contestant, sinabi niya na kamukha ito ni Ate Gay. Bukod pa dito, nagpasaring rin si Vice kung totoong masama ang loob ni Ate Gay dahil hindi ito nakapag-perform sa TNT stage. Matatandaang dapat sasalang si Ate Gay, ngunit bigla na lamang siyang tinanggal nang walang abiso.



Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit umalma si Ate Gay sa mga pasaring ni Vice Ganda. "Huwag po ako.. TAO ako.. yung ginawa sa akin ng TNT di makaTAO." Ito ang pahayag ng komedyante, ngunit bago pa ito ay nag-post na siya sa Facebook tungkol sa ginawa ng "Showtime" na pagtanggal sa kanya sa line-up.

Ayon kay Ate Gay, kumpleto na ang lahat at hinihintay na lamang siyang sumabak sa entablado. Nakapag-pictorial, interview, at band rehearsal na rin daw siya. Kaya naman labis ang dismaya niya nang tanggalin siya ng wala man lang paalam.



"Nag-hanash lang naman ako nung nalaman ko na ni hi ni ha wala ako sched after ng interview, pictorial, at band rehearsal. Tama ba yun at matino ba matatawag yan?" Ito ang pahayag ni Ate Gay sa kanyang Facebook status, kung saan isiniwalat niya ang ginawang pang-i-indian sa kanya ng "It's Showtime."

Bukod pa dito, iginiit din ni Ate Gay na social media lamang ang kanyang paraan upang ipahayag ang kanyang mga saloobin. "Sensya na po pero makapangyarihan kasi mga binibitawang salita sa telebisyon, at eto lang ang sandata ko para maipagtanggol ko sarili ko.."


Ano ang masasabi niyo sa saloobing ito ni Ate Gay? Dapat kayang mag-sorry ang Showtime kay Ate Gay? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Napakabastos"- Ate Gay, Umalma sa Parinig ni Vice Ganda sa Showtime "Napakabastos"- Ate Gay, Umalma sa Parinig ni Vice Ganda sa Showtime Reviewed by Publisher on November 24, 2019 Rating: 5