Anak ng Guro na Ipinahiya, Nagsalita na Tungkol sa Ginawa ni Tulfo
Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyari sa isang elementary teacher na si Melinda Limjuco. Matatandaang inireklamo ang 54-anyos na teacher matapos diumanong mang-abuso ng kanyang estudyante dahil pinalabas niya ito sa classroom. Agad na nagtungo ang pamilya ng nasabing estudyante sa sumbungan ni Raffy Tulfo.
Pinapili naman ng host ang teacher kung magre-resign ito, o kakasuhan sa kanyang ginawa. Sa huli ay pinili na lamang ng guro na kusang mag-resign. Ngunit mukhang marami ang hindi natuwa sa pangyayaring ito, dahil ayon sa mga netizens, hindi naging makatarungan ang pagtrato ni Raffy Tulfo sa teacher.
Sa social media, maraming tao ang nagtanggol kay Teacher Limjuco. Nagbigay rin ng testimonya ang kanyang mga kakilala at dating estudyante sa kabaitan ng guro. Ngunit ang pinakaapektado sa isyu na ito ay ang mga kapamilya niya, kung kaya naman nagsalita na ang kanyang anak tungkol sa isyung ito.
Sa Facebook inilabas ni Kyla Limjuco ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan ng kanyang nanay. Ayon kay Kyla, mahigit 29 years nang nagtuturo sa public school ang mama niya, kaya naman nadismaya sila dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Raffy Tulfo na tanggalan ng lisensya ang nanay niya.
"Marahil marami sainyo ang kaniyang natulungan pero sa pagkakataong ito, kahit kami ay hindi makapaniwala sa naging hatol niya sa aking ina na ang basehang pinaniniwalaan lamang ay ang kabilang kampo," ito ang pahayag ni Kyla sa kanyang viral na Facebook post.
Bukod pa dito, pinuna rin niya ang mga netizens na madaling nanghusga sa kanyang nanay. Agad-agad namang nag-viral ang post na ito ni Kyla. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 170,000 likes ang kanyang post! Mahigit 90,000 na tao na rin ang nag-share dito.
Sang-ayon rin ba kayo na dapat ay hindi matanggalan ng lisensya ang gurong ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Anak ng Guro na Ipinahiya, Nagsalita na Tungkol sa Ginawa ni Tulfo
Reviewed by Publisher
on
November 24, 2019
Rating:






Post a Comment