Matandang Paralisado, Araw-Araw Naglalakad Dahil sa Hiling na Ito


Maraming kamangha-manghang bagay ang kayang gawin nang isang tao alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay. Pinagbubuklod ng pagmamahalan ang iba't-ibang uri ng tao. Pinapatunayan ito ng mga nagmamahalan, walang bundok na di aakyatin at walang dagat na di lalanguyin. Katulad na lamang ng lalaking ito, na sa kabila ng mga pagsubok ay nagpursigi upang makamit ang kanyang pangarap.

Isa sa mga klasikong halimbawa nito ay ang isang matandang naghukay ng daan sa isang bundok para sa kanyang yumaong asawa na hindi agad nasugod sa ospital. Ito ang dahilan kung bakit nagpursige ang matanda na gumawa ng dadaanan para hindi na ito maranasan pa ng ibang tao.



Ang lalaking nagviral ay si Melethuveettil Sasi, mulang kinse anyos nagtratrabaho na ang bata bilang taga-akyat ng puno ng niyog. Nang tumuntong sa hinog na edad na disiotso ay nalaglag ang binata sa puno na nagresulta ng pisikal na depekto. Naparalisa ang kalahating katawan niya at mahigit din ilang buwan bago naigalaw ang mga paa at kamay niya.

Habang nakaratay sa kama ay napwersa naman na huminto sa pagaaral ang kaniyang anak para magtrabaho. Walang araw na lumipas na hindi naawa ang ama sa kanyang anak na kumakayod.


Maraming beses na humingi ng suporta ang pamilya ni Sasi sa gobyerno ngunit hindi sila pinapansin ng mga opisyal. Dumating na sa punto na nakuha na ni Sasi ang buong kontrol sa katawan at kinakailangan lang ng pinansiyal na suporta para makabili ng sariking motorsiklong pwede magamit pangkabuhay.

Humingi ulit sila ng tulong mula sa kinauukulan ngunit katulad ng dati ay binaliwala sila at tinawanan pa. Nahihirapan man sa buhay ay nagbenta na lang ang pamilya ng mga tiket sa lotto para sa kanilang ikabubuhay ag makapagipon para sa pinapangarap na motor.



Nang lumabas sa publiko ang munting hiling ni Sasi ay naantig ang puso ng netizens. Marami ang nagmabuting loob na magbigay ng kaunting halaga para makabili ng sasakyan panghanap-buhay. Pinagpapala at binabantayan nga ng maykapal ang mga naghihirap.

Ano ang masasabi mo sa istoryang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Matandang Paralisado, Araw-Araw Naglalakad Dahil sa Hiling na Ito Matandang Paralisado, Araw-Araw Naglalakad Dahil sa Hiling na Ito Reviewed by Publisher on November 13, 2019 Rating: 5