Raffy Tulfo, Napa-Wow sa "Youngest Attorney" na Bumisita sa Studio
Sawa na ba kayo sa mga nakakagigil na reklamo sa programa ni Raffy Tulfo? Bukod sa mga issue at problema, may mga bumibisita rin sa studio ng "Wanted sa Radyo" na good vibes naman ang dala! Isa na sa kanila ay ang batang ito, na talaga namang kakabiliban niyo dahil sa kanyang katalinuhan. Maging si Idol Raffy ay napanganga dahil sa angking galing niya!
Kakaibang bisita ang dumalaw kay Idol Raffy nitong nakaraan. Imbes na reklamo, tawa ang inihatid ng batang ito sa studio! Talaga namang natanggal ang stress ni Idol Raffy at ng mga staff matapos makausap ang bibo at matalinong bata na ito.
Binisita niya si Idol Raffy hindi upang magreklamo, kundi upang ipamalas ang angkin niyang galing at talino. Kahit Grade 4 pa lamang, talo na niya ang mga college student dahil sa kanyang tatas magsalita! Bukod sa pagiging bibo at matalino ay maalam din siya sa ibat ibang batas sa Pilipinas kaya naman binansagan siyang "youngest attorney."
Maging ang sikat na host ay natuwa sa pakikipag-usap sa kanyang genius na bisita. Upang itesting ang kaalam at kahusayan ng grade four student, nag tanong si Idol Raffy tungkol sa ibat ibang batas sa bansa.
At talaga namang bibilib kayo dahil halos kabisado na nito ang Philippine Constitution. Sa kanyang pagbisita, sinubukan ni Idol Raffy ang kanyang kaalaman.
Ipinamalas naman ng Grade 4 student ang kanyang talino sa pamamagitan ng pag-identify sa iba't-ibang batas at pagbigkas sa Miranda Rights at Preamble ng Philippine Constitution. Ayon sa kanya, gusto niyang maging diplomat kung kaya't kinakabisado niya ang mga ito.
Kahit mga netizens ay aliw na aliw sa batang ito. At sino ba naman ang hindi mamamangha sa talino niya? Panoorin ang video na ito upang mamangha rin kayo!
Namangha rin ba kayo sa angking talino at galing ng batang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Raffy Tulfo, Napa-Wow sa "Youngest Attorney" na Bumisita sa Studio
Reviewed by Publisher
on
November 13, 2019
Rating:


Post a Comment