Kilalanin ang Panganay ni Robin Padilla na Talagang May Pinagmanahan ang Kagandahan


Ang buhay sa harap ng kamera ay hindi madali para sa mga artista. Ang buhay artista ay may kaakibat ding responsibilidad. Kung ikaw ay nasa limelight lahat ng mata ay nakatutok sayo at talaga nga namang mawawalan ka ng privacy. Maski ang buhay pagpapamilya ay hindi makakaligtas sa mapanghusga na mata ng madla.

Isa sa mga sikat na action star ay si Robin Padilla. Habang nasa rurok ng kaniyang tagumpay ay makailang ulit nalink ang aktor sa mga nagiging leading lady niya kagaya nila Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Kris Aquino.


Matatandaan na nagkaroon ng anak ang action star sa dati niyang mga kapareha na si Liezl Sicangco kung saan siya ay nagkaroon ng apat na anak. Dalawa sa anak ni Robin Padilla ay sumunod sa yapak ng kanilang ama nang pumasok sa showbiz. Sa ngayon ay si Kylie Padilla na lang ang patuloy na lumalabas sa telebisyon habang ang kapatid ma si Queenie ay naglielow muna para magfocus sa pamilya.

Inaakala ng karamihan na si Queenie Padilla ang panganay na anak ng action star lingid sa mata ng publiko ay may mas matanda pa sa dating aktres. Ang dating artista na si Leah Orosa ay nagkaroon din ng anak kasama si Robin Padilla. Ang meztisang artista ay naging partner ni Robin sa palabas na "Sa Diyos Lang Ako Susuko" na pinalabas noong 1990.



Si Robin Padilla ay ang sumusuporta sa pagaaral ng anak na si Camille Orosa sa States. Kamakailan lang nang mapabalita na muling nagkita ang magama matapos ang ilang taong pagkawalay. Ito ang maikling sorpresa nv kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez Padilla.

Sa kabila nang distansya na namamagitan sa magama ay patuloy pa ding makikita ang closeness ng dalawa. Sa mga Instagram post ni Camille makikita kung gaano kaclose ang magama matapos ang maikling pagsasama dito sa pilipinas. Makikita din na malapit ang puso ng dalaga sa kanyang stepmom at nakuha pa itong tawaging "fairy stepmom".



Sa kabilang banda maraming netizens ang nakapansin sa ganda ng anak na ito ni Robin Padilla. Marami ang nagtatanong kung ang dalaga ba ay may plano pang pumasok sa showbiz industry. Wala pang komento ang panig ng action star tungkol dito.

Ano ang masasabi mo sa artistahing panganay ni Robin Padilla? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Panganay ni Robin Padilla na Talagang May Pinagmanahan ang Kagandahan Kilalanin ang Panganay ni Robin Padilla na Talagang May Pinagmanahan ang Kagandahan Reviewed by Publisher on November 19, 2019 Rating: 5