Imbes na Kiligin, Napaiyak sa Sama ng Loob ang Babaeng ito sa Proposal sa Kanya
Lahat ng babae ay nangangarap ng sweet at romantic na proposal. Isa na dito ay si Nikki, na mahigit tatlong taon na ring may relasyon sa kanyang boyfriend. Ngunit hindi niya inaasahan na may malaking plano pala ang kanyang boyfriend para sa kanya. At hindi lang ito basta-basta sweet na proposal, kundi talaga namang napaiyak si Nikki!
Sa tulong ng isang reality show, kinuntsaba ng kanyang boyfriend ang buong restaurant para sa proposal niya. Habang naghahanda sila ng sorpresa, walang kamalay-malay si Nikki na may pina-plano na pala ang boyfriend niya. Ang akala niya ay inimbitahan lang siya nito sa isang tipikal na date night.
Sa kalagitnaan ng dinner ng couple ay biglang may lumapit na isang waitress sa kanilang table. Nagpanggap na nagulat ang waitress, at bigla nitong itinapon ang dala nitong inumin sa babae. Dahil dito, inisip ni girlfriend na karelasyon ng boyfriend niya ang waitress! Dito na nagsimulang maghinala at maiyak ang babae.
"Is this a prank? Whatever this is, it isn't funny," noong una'y hindi pa naniniwala ang babae, ngunit unti-unti na siyang naiyak matapos makita na hindi makapagsalita ang boyfriend niya! Sa kabilang banda, na-excite naman ang mga staff dahil mukhang epektib ang kanilang stunt, at napaniwala talaga ang biktima na may ibang babae ang boyfriend niya!
Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang inibunyag na ang surprise proposal! Napalitan ng ngiti ang iyak ni girlfriend matapos sabay sabay na sumayaw at kumanta ang mga tao sa restaurant! Kahit ang mga waitress, chef, manager, at pati ang mga diners ay biglang nagsikantahan. Complete with sound effects at synchronized dancing pa ang paandar nila!
Pero sabi nga nila, kahit ilang flash mob pa yan, sa proposal pa rin ang tuloy! Ang pinakanakakakilig na part ay ang paglabas ng groom. Halos hindi makapaniwala ang bride nang makita ang kanyang boyfriend na may hawak hawak na singsing!
Hindi rin magkamayaw ang mga audience sa excitement nila. Panoorin ang kabuuan ng nakakakilig na proposal na ito dito:
Ikaw, anong dream proposal mo? Gusto mo ba ng romantic at grand, o yung subtle at private lang? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, huwag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Imbes na Kiligin, Napaiyak sa Sama ng Loob ang Babaeng ito sa Proposal sa Kanya
Reviewed by Publisher
on
November 21, 2019
Rating:

Post a Comment