"Gag*ng Raffy!"- Mystica, Nakisawsaw at Nananawagan sa mga Guro Laban kay Raffy Tulfo


Kalat na ngayon sa social media ang isyung kinasangkutan ng beteranong host na si Raffy Tulfo. Matapos ang kanyang hindi makatarungang pagtrato sa isang teacher, hindi napigilang maraming tao ang nainis sa host. Isa na rito ay ang kanyang naging complainant dati na si Mystica.

Sa Facebook, inihayag ni Mystica ang kanyang saloobin tungkol sa kumakalat na issue. Ayon sa 90s' star, talagang one-sided ang judgment ng host. Matatandaang pinapili ni Tulfo si teacher Melita Limjuco kung ito'y magre-resign o kakasuhan matapos itong magpalabas ng kanyang estudyante mula sa classroom.



Ayon kay Mystica, mali ang panghuhusgang ginawa ni Tulfo. Bukod pa dito, hindi rin daw makatarungan ang ginawang pagpapahiya ni Tulfo sa teacher. Nanawagan rin si Mystica sa mga guro upang magkaisa laban sa host, at para mabigyan ng hustisya sa tamang platform ang guro.

Sa ngayon naman ay mabilis na kumalat ang video na ito ni Mystica. Ibinahagi ito ng Facebook page na Pinoy, kung saan umabot ito sa mahigit 139,000 views. Maraming netizens rin ang napa-comment, at mukhang karamihan sa kanila ay hindi natuwa sa mga patutsada ni Mystica laban sa "Wanted sa Radyo" host.



Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-komento tungkol sa diumano'y past ni Mystica at ni Raffy Tulfo. Ilang buwan na ang nakalipas, matatandaang dumulog sa "Wanted sa Radyo" si Mystica upang magreklamo kay Idol Raffy.

Ngunit hindi nasolusyunan ang reklamo niya na humantong sa pagkainis ng complainant. Matapos iyon, nagsimula nang mag-rant ang 90's star sa kanyang Facebook account, bagay na hindi naman pinatulan ni Raffy Tulfo.


Ayon sa mga netizens, ito marahil ang dahilan kung bakit nakikisawsaw si Mystica sa isyung ito. Marahil ay masama pa rin ang loob niya dahil sa hindi magandang karanasan nila ni Tulfo, at ito ang nagtulak sa kanya upang mag-rant muli.

Panoorin ang kanyang pahayag dito:


Sang-ayon ba kayo sa mga opinyon ni Mystica tungkol kay Raffy Tulfo? O naniniwala ka bang dapat siyang bigyan ng second chance? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Gag*ng Raffy!"- Mystica, Nakisawsaw at Nananawagan sa mga Guro Laban kay Raffy Tulfo "Gag*ng Raffy!"- Mystica, Nakisawsaw at Nananawagan sa mga Guro Laban kay Raffy Tulfo Reviewed by Publisher on November 24, 2019 Rating: 5