Alex Gonzaga, Dumulog Kay Idol Raffy Para I-Reklamo si Mommy Pinty!
Sa tagal ng pagseserbisyo ni Raffy Tulfo, hindi na mabilang ang mga taong natulungan niya. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda ay siya ang takbuhan tuwing may problema. Sa katunayan, kahit mga sikat na personalidad at artista ay humihingi rin ng tulong sa kanya! Isa na sa kanila ay si Alex Gonzaga.
Kilala si Alex bilang host at artista, ngunit mas sumikat siya sa kanyang vlog sa Youtube. Ngunit sa pagkakataong ito, nag-viral si Alex hindi dahil sa kanyang kwelang vlog, kundi dahil sa kanyang reklamo! Lumapit sa istasyon ng TV5 ang Kapamilya star upang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.
Sa kanilang interview, isiniwalat ni Alex Gonzaga ang dahilan kung bakit siya humingi ng tulong mula kay Idol Raffy. Ayon sa host ng "I Can See Your Voice," inirereklamo niya ang kanyang nanay na si Mommy Pinty. Maging si Idol Raffy at napaisip kung bakit nagawang ireklamo ng anak ang kanyang sariling ina.
Ayon kay Alex, hinihigpitan daw siya ng kanyang mga magulang. Nang tanungin siya ni Raffy Tulfo, ibinunyag ni Alex na may kinalaman ito sa kanyang nobyo na si Mikee Morada. Talaga namang maraming netizens ang kinikilig sa tambalan ng dalawa, lalo na tuwing featured si Mikee sa vlog ni Alex. Ngunit kahit na ilang taon na sila, mayroon pa rin daw humahadlang.
Ibinunyag ni Alex na hindi siya pinayagan ni Mommy Pinty na magbakasyon abroad kasama si Mikee. Dahil dito, sumama ang loob ng vlogger at napilitang magsumbong kay Idol Raffy.
Bukod pa dito, nararamdaman daw niya na tina-trato siyang menor de edad ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging istrikto ng mga ito sa kanya.
Sa kabilang banda, ininterview rin ni Raffy ang mga magulang ni Alex na si Mommy Pinty at Bonoy. Ano kaya ang masasabi nila sa kwelang reklamo ng kanilang bunsong anak?
Kahit si Idol Raffy ay napatawa sa kakulitan ni Alex! Panoorin ang buong pangyayari dito:
Naaliw rin ba kayo sa kwelang reklamo na ito ni Alex kay idol Raffy? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Alex Gonzaga, Dumulog Kay Idol Raffy Para I-Reklamo si Mommy Pinty!
Reviewed by Publisher
on
November 24, 2019
Rating:




Post a Comment