Pokwang, Maipapatayo na ang Pangarap Niyang Magarang Restaurant!

Isa si Pokwang sa mga pinaka-batikang at pinakakilalang komedyante sa industriya ng showbiz. Sa loob ng maraming taon niya sa industriya, napamahal na si Pokwang sa mga fans dahil sa kanyang angking galing sa pagpapatawa. Ngunit bukod sa pagpapatawa, pagpe-perform sa stage, at pag-arte, alam niyo ba na may isa pang hilig si Pokwang?

Ito ay ang pagluluto! Mahilig ang 49-anyos na komedyante sa pagluluto ng iba't-ibang mga recipes. Sa katunayan, nakapagsulat na rin siya ng libro na "Patikim, Pokie," kung saan ibinunyag niya ang secret recipe ng mga paboritong luto niya. Maging ang kanyang anak na si Ria Mae ay nagmana rin kay Pokwang, kung kaya't ang kinuha nitong kurso ay Culinary Arts.



Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung magtatayo man si Pokwang ng sarili niyang culinary business. At ngayon, mukhang matutupad na ang pangarap ni Pokwang na makapagpatayo ng sarili niyang restaurant! Sa Instagram, excited na binalita ng komedyante ang kanyang plano sa susunod na taon.

"Yes! Amen. Hindi masama ang mangarap at magdasal lang tapos todo sikap. Target ko sya end of 2020 yeheeyyy my own restaurant," ito ang masayang balita ni Pokwang sa kanyang Instagram followers.


Ayon kay Pokwang, balak niyang magtayo ng isang restaurant bago matapos ang taong 2020. Bukod pa dito, nagbahagi rin siya ng picture ng interior ng isang restaurant na mayroong magarang glass panels. Nakakabighani rin ang relaxing view sa labas, kung saan tanaw ang overlooking ng siyudad.

Dahil dito, may mga netizens na nagtanong kung saan balak itayo ni Pokwang ang kanyang soon-to-open na restaurant. May isang netizen ang nag-comment at nagtanong kung sa Antipolo daw ba ang napiling site ni Pokwang. Kinumpirma naman ito ng Kapamilya star, ngunit hindi niya pa ibinunyag ang eksaktong lugar ng kanyang business.



Excited ka na rin bang makita ang soon-to-open na restaurant ni Pokwang? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pokwang, Maipapatayo na ang Pangarap Niyang Magarang Restaurant! Pokwang, Maipapatayo na ang Pangarap Niyang Magarang Restaurant! Reviewed by Publisher on November 11, 2019 Rating: 5