Bagong Kasal, Nakatanggap ng Halos 400k Mula sa Galanteng Ninong at Ninang
Ang pag-aasawa ay hindi basta-basta, dahil isa itong life-long commitment kasama ang iyong mahal sa buhay. Sa desisyon ng pag-aasawa, hindi nawawala ang usapin ng kasal. Tayong mga Pinoy ay talaga namang pinaghahandaan ang espesyal na araw na ito! Simple man o engrande ay tinitiyak ng mga magiging mag-asawa na makahulugan ang araw na ito para sa isa't-isa.
Isa sa hindi natin makakalimutang bahagi ng buhay ay ang kasal. Kaya naman hindi pinapalagpas ng mga mag-kakarelasyon ang pagkakataong pagkagastusan ang once-in-a-lifetime na okasyong ito. Nakakatuwa nga naman simulan ang inyong pagsasama sa isang masayang salo-salo kasama ang inyong mga mahal sa buhay at kaibigan.
Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa malaki ay talaga nga namang pinaghahandaan upang maging perpekto ang araw na ito. Nakaka-stress man ang preparasyon, sulit naman dahil marami rin ang willing tumulong sa inyo! Nariyan ang pamilya, kaibigan, barkada, at ninong at ninang. Tulad na lang ng bagong kasal na ito, na naka-jackpot sa kanilang ninong at ninang!
Isang viral post ang kumakalat ngayon sa Facebook tungkol sa bonggang segment na pasabit sa isang kasal. I-shinare ng netizen na si Mic Kevin ang isang kasal na kanyang dinaluhan. Talagang mapapanganga kayo sa bonggang regalo ng mga ninong at ninang sa bagong kasal.
Madami ang nainggit sa bagong kasal dahil sa mga galante nitong sponsor. "Yung ninong at ninang galit na galit sa pasabit! CRUSH. Tara pili na tayo ng sponsors," pabirong sabi ni Mic sa kanyang Facebook post.
Makikita sa larawan na parang kumot na nakabalot sa bagong mag-asawa ang lilibuhing pera. Sinabit diumano ng mga ninong at ninang ng bagong kasal ang mga pera sa mag-asawa tanda ng kanilang blessing.
Sa kultura natin ginagamit ito ng mga mag-asawa upang masimulan ang kanilang pagsasama nang mayroong blessings. Sa natanggap ng mag-asawa ay tiyak na may maganda na agad silang umpisa, hindi lamang sa pera at materyal na bagay, kundi pati na rin sa gabay at patnubay ng pamilya nila.
Ano ang masasabi mo sa engrandeng kasal na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bagong Kasal, Nakatanggap ng Halos 400k Mula sa Galanteng Ninong at Ninang
Reviewed by Publisher
on
November 28, 2019
Rating:






Post a Comment