Kahit May Boyfriend, Nakipag-One Night Stand pa rin ang Babaeng ito, Ngunit May Sikreto Pala ang Estranghero!


Lahat tayo ay nagkakaroon ng summer love. Infatuation na madalas natin maramdaman para maibsan ang boredom tuwing bakasyon. Itago man natin ay madalas ito mangyari kahit tayo ay may stable na relasyon na, masakit man isipin ito ay katotohanang di maitatanggi. Gaano nga ba kalayo ang nararating ng mga ganitong relasyon?

Si Angela at Mark ay magkarelasyon na ng mahigit limang taon. Bagamat parehong workaholic, hilig ng dalawa ang magbakasyon sa iba-ibang beach upang mag unwind. Matagal man ang kanilang pinagsamahan ay hindi pa din legal sa parehong pamilya ang kanilang patagong relasyon.




Marami nang pinagdaanang unos ang dalawa kaya naman buo na ang tiwala nila sa isa't-isa. Sa magkapareha, mapapansin na mas ma-eksperimento ang dalagang si Angela kaysa sa kanyang nobyo.

Habang nagbabakasyon ang dalawa sa isang beachfront sa Batangas, nakilala ni Angela si Andrew. Ito ay matipuno at talaga nga namang kaakit-akit sa mata. Maginoo rin ito at magiliw sa kanyang pakikitungo. Pagkatapos ng interaksyon ng dalawa, di na nawala sa isip ni Angela ang lalaki.

Kinagabihan ay di makatulog si Angela sa pag-iisip sa binata. Gumawa ng dahilan ang dalaga upang makaalis ng panandalian sa piling ng kanyang nobyo. Pumayag naman si Mark dahil buo ang tiwala nito sa kanyang nobya.



Nagmamadali nagpunta si Angela sa dalampasigan, agad naman niyang nakita ang pakay, nag-usap at nagkaigihan naman si Angela at Andrew. Umaayon naman sa plano ni Angela ang mga pangyayari ng mapagalaman na si Andrew pala ay liberated. Ang kanilang pag-uusap ay nauwi na nga sa kwarto ng binata at itinuloy nila sa kama.

Pagkatapos ng mainit na pagsasama ay nagmadaling nagbihis si Angela sa takot na hinahanap na siya ni Mark. Sinamahan naman ni Andrew si Angela sa paglabas nang kanyang hotel room.

Sa di inaasahang pagkakataon nang lumabas si Angela at Andrew nang pinto nagbukas din ang kaharap na kwarto at niluwa nito ang nobyo niya na si Mark.


Nagulat si Mark at si Andrew nang makita ang isa't-isa sa hotel. Bakas ang takot sa mukha ni Angela na baka ano ang gawin ng nobyo. Nang komprontahin nang mga lalaki si Angela napag-alaman niya na magkapatid pala ang dalawang binata.

Agad na nakipaghiwalay sa kanya si Mark dahil sa ginawa nang dalaga. Walang luha ang nakapagpalambot ng puso ng binata na niloko ng mahal niya.

May kakilala ka bang kagaya ni Angela? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Kahit May Boyfriend, Nakipag-One Night Stand pa rin ang Babaeng ito, Ngunit May Sikreto Pala ang Estranghero! Kahit May Boyfriend, Nakipag-One Night Stand pa rin ang Babaeng ito, Ngunit May Sikreto Pala ang Estranghero! Reviewed by Publisher on November 28, 2019 Rating: 5