"Pag Nawala Iyong Ganda mo.."- Lolit Solis, ni-Real Talk ang Barretto Sisters


Matunog ngayon ang isyu ng Barreto sisters sa showbiz industry. Matapos yumao ang amang si Miguel Barreto ay sunod-sunod nang nawala ang privacy ng kanilang pamilya. Ang alitan ng mag kakapatid na si Gretchen, Marjorie, at Claudine ay usap-usapan ngayon sa industriya dahil sa kanilang bangayan na nag-ugat sa burol ng kanilang ama.

Ang sikat na talk show host na si Lolit Solis ay nag komento na sa mga isyu na lumalabas kaugnay sa pamilya ng Barreto. Matatandaang dire-diretsong nag lalabasan ang sikreto ng magkakapatid nitong nagdaang araw.



Hindi nag papaawat ang magkakapamilya sa sunod sunod na pasaring sa isa't-isa. Lalong dumagundong ang isyu nang magbanta si Marjorie Barreto na mag sasalita di umano sa 'influential bad boyfriend' ng kanyang kapatid. Agad naman ito sinagot ni Gretchen Barreto na 'she will open all the secrets why nagkagulo silang lahat.' Makikita ang lahat nang ito sa Instagram post ni Lolit Solis.

Ayon sa Instagram post ng host binahagi nito kung paano muna siya naging police reporter bago lumipat sa showbiz industry. Ipinagmalaki pa ng batikang entertainer kung paano siya natuto ng art of lying.



Sa mga binanggit ni Lolit sa kanyang IG post ginunita nito ang sitwasyong ng magkakapatid na Barreto. Kasunod ng IG post na ito ay may isa pang shinare si Manay Solis sa Instagram.

“Tatanda ka at sa pagtanda mo hindi ka na rin ganun kaganda. At pag nawala iyong ganda mo, puwede rin mawala iyon protector mo, iyon sponsor mo, iyon nagmamahal sa iyo at hahanap ng mas bata at maganda. I am thinking of the Barretto sisters.”

May laman ang aral na ito na iniwan ni Lolit para sa mag kakapatid. Sinabi ng showbiz commentator, na tatanda din at posibleng mawala ang anumang meron ang magkakapatid. Binigyang diin niya kung yun na ba ang tamang panahon para magkaayos at mabuo uli ang closeness ng pamilya.


“Iyon back to basic, when they are helping each other dahil hindi pa ganun karami ang meron sila. Iyon na kaya ang solusyon?” Pagtapos ni Manay Lolit sa kanyang komento sa nangyayari.

Paano nga ba kung bumalik ang isa sa mga magkakapatid sa wala? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Pag Nawala Iyong Ganda mo.."- Lolit Solis, ni-Real Talk ang Barretto Sisters "Pag Nawala Iyong Ganda mo.."- Lolit Solis, ni-Real Talk ang Barretto Sisters Reviewed by Publisher on October 28, 2019 Rating: 5