Kuya Wil, Nanawagan sa 18-40 Anyos na Kababaihan na Mag-Apply Bilang Partner Niya
Ang sikat na host ng Wowowin na si Kuya Willie Revillame ay may pasabog sa kanyang palabas. May dinagdag ang host na bagong segment sa kanyang show na tiyak na lalapit di lang sa puso ng madla kundi maging sa kanyang puso. Nagpahiwatig ang host na panahon na upang siya ay lumagay sa tahimik.
Sa isang bahagi ng "Wowowin" na iniere noong Oktubre 25, binahagi ng masayahing host ang kanyang buhay pag-ibig. Sinabi nito na hindi na siya bumabata at panahon na upang mag asawa. Sino ang mag aakala na ang host na ang matulunging host ay wala pa palang inuuwiang pamilya?
"Alam niyo sa January, magpi-59 na ako. Matanda na ako, lagi lang akong nag-iisa 'pag umuuwi. Kumakain mag-isa, breakfast, tanghali, dinner, naliligo mag-isa. Lagi lang mag-isa. Pagod na after nitong show, ako lang mag-isa," sa himig na ito ni Kuya Wil niya sinimulan ang kanyang nais iparating
Dinagdagan niya pa ito ng sabihing "Mahirap na lagi ka lang mag-isa sa buhay."
"Meron kaming bago ditong pakulo. Naghahanap na po ako ng makakasama ko sa buhay." Ang anunsyong ito ay ikinagulat ng mga manonood.
Ibinunyag ni Kuya Wil ang bagong pakulo nito sa kanyang show. Ang segment na ito ay pinangalanang "Wil you date me?" Nag hahanap ang entertainer ng mga babaeng nasa edad 18-40, walang anak o hindi pa nag aasawa na puwede niyang makadate at posibleng makasama sa pagtanda.
Kahit nasaan ka mang parte ng mundo, handa si Kuya Wil na sunduin ka! Ayon sa galanteng host, kahit pa nasa Visayas, Mindanao, o abroad ka, willing siyang personal na sunduin ka sa airport. Pagkatapos nito ay magdi-date kayo upang mas makilala ang isa't-isa.
"Ako ang susundo sa'yo, kakain tayong dalawa, magkukuwentuhan tayo sa buhay-buhay. Malay mo, ikaw na ang makasama ko habambuhay?" Ito ang alok ni kuya Wil sa mga kandidatang interesadong sumali sa palahok ng show.
Ikaw, may kakilala ka bang gustong mag-apply bilang partner ni Kuya Wil? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kuya Wil, Nanawagan sa 18-40 Anyos na Kababaihan na Mag-Apply Bilang Partner Niya
Reviewed by Publisher
on
October 28, 2019
Rating:

Post a Comment