Akala ng Babae ay Ordinaryong Katulong Lamang Ito, Ngunit May Maitim Pala Siyang Sikreto
Mahirap magtaguyod ng pamilya ng magisa. Kaya naman ay di na natin mahuhusagahan ang mga taong nagaasawa muli pagkatapos mawalan ng kapareha. Sa paghanap ng makakapareha sa buhay sinisiguro natin na lubos na nating kilala ang partner bago sila pakisamahan. Ngunit kadalasan, huli na bago natin matuklasan ang totoong katauhan ng ating mahal.
Si Mario ay biyudo na at may tatlong anak. Bagamat nangungulila sa aruga ng asawa at magiging ina ng mga bata, nang makilala si Ann ay agad niya ito pinakisamahan. Pinakilala ni Mario sa mga bata ang kanilang bagong madrasta. Mailap ang mga bata sa ginang ngunit ito ay naiintindihan ng bagong maybahay ni Mario.
Sa katagalan ay napansin ni Ann na kakaiba ang pakikitungo ng mga bata sa kanilang katulong na si Marjorie. Minsan ay tinanong niya ang kasambahay, ito ay umiwas na tila ba walang maisagot.
Inoserbahan ni Ann ang mga bata at napansin na tila kakaiba ang galaw ni Beth, ang bunso sa magkakapatid. Agad niya itong sinabi sa kinakasama ngunit di ito binigyan ng pansin. Pinakiusapan na lang ni Mario si Ann na hayaan si Beth dahil ito ay bata pa at malawak ang imahinasyon.
Isang gabi biglang nagising si Ann sa iyak sa kanilang pasilyo. Sa takot na baka ito ay isa sa mga bata ay agad-agad niya pinuntahan ang ungol. Nadiskubre niya na ang iyak ay galing kay Marjorie.
Tinanong niya ito kung anong nangyayari, napansin niya na puno ito ng kalmot at pasa. Humingi ng paumanhin ang kasambahay at dali-daling bumalik sa kwarto.
Hindi inaasahan ni Ann na makikita niya ang lumang larawan nang namatay na asawa ni Mario. Nakita niya ang mga larawan ay punit na ngunit ang mukha ng babae ay walang iba kundi ang kasambahay nila na si Marjorie!
Kinompronta niya si Mario tungkol sa natuklasan. Umamin si Mario na minamaltrato niya ang kasambahay na si Marjorie at ito ay dati niyang asawa.
Matapos malaman ang katotohanan agad na tinutukan ni Mario si Ann ng baril at nagtangkang saktan ang babae. Nang magpapaputok na ang lalaki sakto dumating si Marjorie at sinaksak sa likod si Mario.
Malaki ang pasasalamat ni Ann kay Marjorie na di nagdalawang isip na tulungan siya nang makitang nasa kapahamakan siya. Natuklasan ng mga awtoridad na si Mario pala ay masakit sa pagiisip. Tumestigo si Ann laban sa dating kinakasama at tinulungan ang magiina upang magbagong buhay.
Ano ang masasabi mo tungkol sa nangyari kay Ann? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Akala ng Babae ay Ordinaryong Katulong Lamang Ito, Ngunit May Maitim Pala Siyang Sikreto
Reviewed by Publisher
on
October 29, 2019
Rating:






Post a Comment