Julia, Hinihingi ang Subic Resthouse ng Namayapang Lolo Kapalit ng Naitulong niya sa Hospital Bill Nito
Usap-usapan ngayon ang isiniwalat ni Gretchen Barreto tungkol sa ginawa ng kanyang pamangkin na si Julia Barreto. Kamakailan lang ng mag-umpisa pumutok ang balita na may di pagkakasundo-sundo ang pamilya Barreto mula nang maospital ang padre de pamilya nila. Sa pagkamatay ng kanilang ama, sunod-sunod na nagsilabasan ang mga tinatagong sikreto ng Barretto sisters.
Isiniwalat ni Gretchen na ang anak ni Marjorie na si Julia, isang Kapamilya star, ay humingi umano ng kapalit sa tulong na ginawa para sa kanyang lolo. Matatandaang ilang beses dumalaw si Julia sa kanyang lolo habang ito ay ginagamot sa St. Lukes Medical Hospital.
Nang pumanaw ang kanilang lolo, tuluyan nila itong inaalala sa pamamagitan ng pag-share ng mga larawan nila sa kanyang Instagram story. Sa ganitong paraan, pinuna ni Gretchen ang kanyang pamangkin.
Noong Oktubre 23, nag react ang dating aktres sa isa sa mga larawan na ibinahagi ni Julia sa IG. "Julia, Dennis (Padilla), your dad, is still alive and longing for your love. Stop using Pikey, Maawa ka," ito ang pasaring ni La Greta para sa kanyang pamangkin.
Bukod pa dito, isiniwalat rin ni Gretchen na tumulong ang kanyang kapatid na si Marjorie sa pag babayad ng 50,000 sa ospital at nag ambag naman si Julia ng 500,000. Ngunit matapos pumanaw si Lolo Miguel, hinihingi umano ni Julia ang isang resthouse sa Subic kapalit ng binayaran niyang bill sa ospital.
"You asked for Pikey’s Subic home in return for the 500k. He was still alive and you wanted to take his home to pay St. Luke’s. That’s not love. That’s not helping. [Those were] the last few days of your Lolo Pikey’s life and you wanted his home to the tune of 500k."
Ang balitang hatid ni Gretchen ay umani ng iba't ibang reaksyon sa netizens.
Maalala na sinabi ng kapamilya star na si Julia Barreto na ang alitan sa pagitan ng kanyang ina at mga tita ay walang kinalaman sa kanya. Hindi niya raw ito laban at wala nang iba pang sinabi tungkol sa isyung ito.
Nag-aabang ka rin ba sa magiging sagot ni Julia? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Julia, Hinihingi ang Subic Resthouse ng Namayapang Lolo Kapalit ng Naitulong niya sa Hospital Bill Nito
Reviewed by Publisher
on
October 28, 2019
Rating:

Post a Comment