Isang Babaeng Nagpakalbo sa Publiko, Inakala ng Lahat na Nababaliw na Ito Ngunti Maiiyak Ka sa Mensahe Gusto Niyang Ipaabot sa Lahat


Hindi maipagkakailang malaking factor ang ating buhok sa ating panlabas na kaanyuan. Para sa iba, mas maganda sa babae ang mahaba, makintab, at malambot na buhok. Dahil dito, marami tayong treatment o haircut na sinusubukan para lamang mas mapaganda pa ang ating buhok. Ngunit minsan, kahit professional stylist na ang maggu-gupit sa atin, hindi pa rin natin mapigilang kabahan.

Ikaw, willing ka bang ipagupit ang iyong buhok sa mga estranghero? Malamang karamihan sa inyo ay 'hindi' ang isasagot, pero kung para ito sa isang mahalagang mensahe, magkakaroon ka kaya ng lakas ng loob na gawin ito? Ito ang kahanga-hangang ginawa ng babaeng ito!


Upang maipahayag ang isang mahalagan mensahe, pumayag si Jae West na ipagupit ang kanyang buhok sa mga estranghero. Pumuwesto siya sa Times Square, ang isa sa pinaka-crowded na lugar sa New York City, upang mas maraming tao ang makarinig sa kanyang mensahe tungkol sa beauty standards.

Umupo siya sa gitna ng kalsada habang nakapiring ang mata. Nakalahad ang dalawa niyang palad at may hawak-hawak na gunting. Para sa social experiment na ito, pinili rin ni West na piringan ang kanyang mata. Katabi niya ang isang malaking cardboard na may nakasulat na isang mahalagang mensahe para sa lahat.



"Beauty isn't dependent on our external appearance. Cut or shave a piece of my hair to support this message," ito ang kakaibang dare ni West sa mga taong dumadaan. Noong una ay pinipicturan lang siya ng mga tao, ngunit hindi nagtagal at mayroon na ring naglakas loob na gupitin ang buhok ni West.

Karamihan sa mga nakigupit ay mga babae, na sumasang-ayon rin sa positibong mensahe ni West tungkol sa ating mababaw na beauty standards. Imbes na magalit, pasasalamat at ngiti ang isinukli niya sa mga babaeng ito.



Panoorin ang buong video dito:


Sang-ayon ka rin ba sa mensahe na nais iparating ng babaeng ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Isang Babaeng Nagpakalbo sa Publiko, Inakala ng Lahat na Nababaliw na Ito Ngunti Maiiyak Ka sa Mensahe Gusto Niyang Ipaabot sa Lahat Isang Babaeng Nagpakalbo sa Publiko, Inakala ng Lahat na Nababaliw na Ito Ngunti Maiiyak Ka sa Mensahe Gusto Niyang Ipaabot sa Lahat Reviewed by Publisher on October 28, 2019 Rating: 5