Inaakalang Normal na Sakit ng Isang Dalaga, Malubha Karamdaman sa Kababaihan Pala!


May kasiyahan ang pagiging babae. Kaya gampanan ng kababaihan ang lahat ng posisyon sa lipunan. Mula sa pagiging simpleng maybahay, hanggang sa pagiging presidente. Wala na nga talagang di magagawa ang mga babae sa ating henerasyon. Mabigat na responsibilidad ang nakalagay sa kanilang balikat, di din natin maiiwasan ang panahon na sila naman ay may pagdaanan.

Sa panahon ngayon normal na lang kung ikaw dapuan ng sakit. Madalas ay sinisisi na lang natin ang panahon, maduming kapaligiran o ang stress sa araw-araw na pamumuhay. Karaniwan na nating binabaliwala ang mga sakit na ating nararamdaman sa pagaakalang gagaling din ito agad sa dami ng gamot na mabibili sa merkado.



Si Angela ay isang dalaga na nakatira sa kanyang tiyahin. Ayon sa kanyang tita, normal lang sa pamilya nila na sumasakit ng sobra ang puson pagnagkakaroon ng dalaw kada buwan. Sa rason na ito hinahayaan lang ni Angela ang di pangkaraniwang sakit na nararamdaman niya tuwing dadatnan.

Dumating ang buwanang dalaw nang dalagita at katulad nang mga nauna siya ay namimilipit pa din sa sakit. Kinagabihan ay nilagnat ang babae. Inalok siya ng tiyahin na dalhin na sa emergency room dahil sa taas ng kanyang temperatura.



Tumanggi ang dalaga sa pag aakalang normal lang ito, iniiwasan ni Angela ang dagdag na gastos dahil sa mahal ng pagpapaospital.

Nagtaal ng halos isang linggo ang sitawasyon dilag. Labag man sa kalooban ay dinala siya nang tiyahin sa pinakamalapit na pampublikong ospital. Nang masuri nang espesyalista, hindi na pala normal ang lagay ni Angela at siya ay na-diagnose na may "Teratoma".


Laking gulat nang dalaga nang sabihin ng doktor ang posible nitong epekto sa kanya. Kung hindi maaagapan ay habang-buhay na siya magkakaroon ng problema sa matres at maaaring di na makabuo ng pamilya sa hinaharap.

Agad na inagapan ay nilunasan ng butihing doktor ang sitwasyong ng kawawang si Angela. Lubos ang pasasalamat ni Angela sa kanyang doktor at tiyahin dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito sa bingit nang panganib.


Sa katulad na sitwasyon ni Angela natin posibleng makita ang mga pwedeng mangyari kung ipagsasawalang-bahala natin ang mga iniinda. Sana ay maging aral ito sa lahat upang pagyamanin pa ang kalusugan.

Mat kakilala ka bang kagaya ni Angela na mayroon ding iniinda? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Inaakalang Normal na Sakit ng Isang Dalaga, Malubha Karamdaman sa Kababaihan Pala! Inaakalang Normal na Sakit ng Isang Dalaga, Malubha Karamdaman sa Kababaihan Pala! Reviewed by Publisher on October 30, 2019 Rating: 5