#KMJSGabingLagim: Lolang Yumao na, Nagparamdam sa Selfie ng Apo
Panahon na naman ng katatakutan kung kaya't nagkalat na naman ang mga sari-saring kwento na makapanindig balahibo. Mula sa mga panakot sa bata hanggang sa white lady, hindi mauubusan ang mga Pilipino ng kwentong kababalaghan. Ilan sa atin ay may sarili nang karanasan laban sa mga di natin maipaliwanag, at isa na dito ay ang karanasan ng magpapamilya na ito.
Isa sa mga sinusubaybayan ng madla tuwing Linggo ay ang sikat na programa na "Kapuso Mo Jessica Soho." Noong Oktubre 27, 2019 inere ng palabas ang isang segment na tiyak namang pinag-usapan ng madla. Isa diumanong patay ang sumama sa video ng isang bata! Nakuhanan ang nakakakilabot na sa video sa San Jose, Occidental Mindoro.
Inamin ng ina nang bata na si Teresa de Ocampo na mahilig talaga mag selfie ang anak na lalaki. Noong May 12, 2018, pinahiram ng ginang ang anak ng cellphone para malibang habang siya ay may inaasikaso.
Dahil sa likas na hilig ng batang si Xander na kumuha ng mga picture at video, hindi na nagtaka ang ginang nang hawakan ng bata ang telepono at umpisahang bidyuhan ang sarili.
Kinagabihan nang tignan ang mga kuha, tumaas ang balahibo ni Teresa at agad humingi ng opinyon sa kanyang anak na babae. Sinuri nila mabuti ang kuha at kinumpirma na ang kasama ng bata ay ang kanyang patay na inang si Lola Olympia.
Ibinahagi ng pamilya na bago mamatay ang matanda ay nag-iwan ito ng mga salita na tumatak sa isipan ng kanyang buong pamilya. Bago tuluyang lagutan ng hininga, nagsabi ito kung gaano kamahal ang pamilya at nangakong kukunin ang kaniyang kapamilya. Matapos ang isang taon sa paglabas ng video pumanaw ang panganay ni Lola Olympia na si Flor.
Dahil sa kanilang di-maipaliwanag na karansan, dumulog ang pamilya sa mga staff ng KMJS. Humingi sila ng opinyon mula sa eksperto upang maliwanagan na din at mapanatag ang loob ng pamilya De Ocampo.
Panoorin ang makapanindig-balahibong video dito:
Ano ang iyong nakakatakot na karanasan kasama ang patay? I-share ang inyong opinyon sa comments section below. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
#KMJSGabingLagim: Lolang Yumao na, Nagparamdam sa Selfie ng Apo
Reviewed by Publisher
on
October 29, 2019
Rating:

Post a Comment