Gretchen at Marjorie, Nagbangayan sa Harap ni Pangulong Duterte sa Burol ng Ama Nila



Matapos ang ilang taon na hindi pagkakaintindihan, mukhang may pag-asa na muling maayos ang Barretto family. Kamakailan lamang ay namaalam na sa huling pagkakataon ang tatay ng Barretto clan na si Miguel Alvir Barretto. Kahit na nakakalungkot ang pangyayaring ito, nagbunga rin ito ng magandang bagay, ang muling pagkikita ng magkakapatid.

Ang batikang aktres na si Gretchen Barretto, na ilang taon ding nawalay sa pamilya niya, ay namataang dumalo sa burol ng kanyang ama sa The Heritage Park, Taguig. Ilang taon rin bago muling nakipag-ayos si Gretchen sa kanyang pamilya, kaugnay ng naging kontrobersya nila ng kanyang nanay na si Inday noong 2013.



Hindi man nakapunta sa ospital, kung saan tuluyang namaalam ang kanyang tatay, sinigurado naman ni Gretchen na madadalaw niya ito sa kanyang huling hantungan. Ibinahagi ni Claudine Barretto, ang pinakabata sa mga magkakapatid, ang video kung saan makikitang dumating si Gretchen sa burol ng kanyang ama.


Kasama rin sa nagparating ng kanilang pakikiramay ay si President Rodrigo Duterto. Personal na dumalo ang pangulo kasama ang kanyang former aid at Senator Bong Go, at Presidential Spokesperon Salvador Panelo.

Bilang tanda ng respeto, nag-request si Pres. Duterte kay Marjorie Barretto na makipag-kamay sa nakakatanda niyang kapatid na si Gretchen.


Ngunit mukhang hindi masaya si Marjorie sa pagdalo ni Gretchen, na kamakailan lang ay nakaalitan niya sa social media. Ayon sa mga sources, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ni Marjorie at Gretchen, na humantong sa pisikalan sa pagitan ni Marjorie at Claudine.

Isinugod sa St. Lukes Medical Center si Claudine matapos magtamo ng mga galos sa braso at makaramdam ng panghihilo. Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Marjorie sa press.




Sa tingin mo, wala na bang pag-asa na muling magbati ng mga Barretto sisters? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, wag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Gretchen at Marjorie, Nagbangayan sa Harap ni Pangulong Duterte sa Burol ng Ama Nila Gretchen at Marjorie, Nagbangayan sa Harap ni Pangulong Duterte sa Burol ng Ama Nila Reviewed by Publisher on October 18, 2019 Rating: 5