Creative si Daddy! Netizens, Naaliw sa Pagpapatulog ng Tatay na ito sa Kanyang Sanggol na Anak



Biro nga ng karamihan, wag mong ipagkatiwala ang pag-aalaga ng iyong baby sa tatay. Kumpara sa maalagang si mommy, hindi maipagkakaila na mas maraming naiisip na kalokohan si daddy! Silipin niyo na lang ang video na ito upang malaman kung paano magpatulog ng sanggol ang tatay na ito.

Isa sa pinakaepektibong paraan upang mabilis makatulog si baby ay ang kantahan ito. Siguradong aantukin si baby sa malamig at malumanay na boses ni mommy!

Pero paano kung hindi mo kabisado ang lyrics ng lullaby? Ganito ang naranasan ng tatay na ito!



Ngunit imbes na panghinaan ng loob, nakaisip siya ng kakaibang paraan para mapatulog ang anak niya.

Dahil hindi niya kabisado ang lyrics ng lullaby, gumawa-gawa na lang si daddy ng sarili niyang kanta! Mukhang wala namang reklamo si baby, na nakatitig pa sa ama niya habang kumakanta ito.

"Gusto kong kantahan yung anak ko kaso hindi ko alam yung lyrics,pero naisip ko hindi pa nga pala sya nakaka intindi kaya laban na,tuloy ang kanta!"




Ang nakakaaliw na video na ito ay ibinahagi ni HoneyBoy Concepcion de Leon sa Facebook. Dahil sa kanyang nakakatuwang kanta, umabot na ng libo-libo ang nakapanood dito! Sa ngayon, umabot na ito ng halos 48,000 shares sa Facebook.

Umani rin ng ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Karamihan ay talaga namang natawa sa mga paandar ng creative na daddy na ito. Ang iba naman ay nakakakuha ng idea, at sa susunod ay susubukan din daw nila ito sa kanilang mga anak.




Naantig rin ba ang puso mo sa video ng mag-amang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, wag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
Creative si Daddy! Netizens, Naaliw sa Pagpapatulog ng Tatay na ito sa Kanyang Sanggol na Anak Creative si Daddy! Netizens, Naaliw sa Pagpapatulog ng Tatay na ito sa Kanyang Sanggol na Anak Reviewed by Publisher on October 18, 2019 Rating: 5