Bernadette Sembrano, Halos Masuka sa Nadiskubreng Ipis sa Kanyang Milk Tea



Binalaan ng batikang news anchor na si Bernadette Sembrano ang mga tao na maging mapanuri sa kanilang binibiling inumin sa labas. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng di kanais-nais na karanasan si Bernadette at ang kanyang asawa sa isang sikat na milk tea joint sa Greenbelt. Imbes na marelax, na-stress ang mag-asawa dahil sa natuklasan nila sa inumin nila!

Sa Instagram, ibinahagi ni Bernadette ang nakita nilang ipis sa kanilang inumin. Habang umiinom ang kanyang asawa, diumano'y may nasipsip itong maliit na ipis na napasama sa milk tea. Sa utang tingin, talagang hindi mo mapapansin ito dahil humahalo ito sa tapioca pearls, na itim rin ang kulay.




"Buti at hindi niya nalunok. Mukhang naluto naman iyong ipis at buti naman patay na siya. Unless you prepare your food yourself, you won't be sure about how clean it is. Kailangan lang talaga mapagmatyag tayo kapag tayo ay kakain at alam natin iyong reputation nung kinakainan natin."

Matapos mag-viral ang kanyang post ay agad agad namang nag-reach out ang kompanya ng nasabing milk tea joint. Ayon sa kompanya ay panandalian nilang ipapasara ang branch upang mag-conduct ng sanitary inspection. Bukod dito ay nag-offer rin ang kompanya na sagutin ang magiging medical bills ng asawa ni Bernadette.



Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon sa social media. Maraming netizens ang talaga namang nandiri, at tila ba nawalan na ng gana uminom ng milk tea! Pero meron din namang iilan na nag-offer ng mas mabuting alternative bukod sa milk tea:

"Buti na lang hindi ako nainum ng milk tea. Pwedeng ma food poisoning dahil pag di maingat ang crew mangyayari talaga na mahaluan ng dumi or insekto. Drink coffee & help local farmers," ito ang pahayag ng isang Facebook netizen.



May kakilala ka rin bang mahilig uminom ng milk tea? I-tag mo sila sa comments section upang malaman rin nila ito! Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bernadette Sembrano, Halos Masuka sa Nadiskubreng Ipis sa Kanyang Milk Tea Bernadette Sembrano, Halos Masuka sa Nadiskubreng Ipis sa Kanyang Milk Tea Reviewed by Publisher on October 19, 2019 Rating: 5