Ang Mahalagang Aral na Itinuro ni Kobe Bryant na Pagkawala Niya
Noong January 26, buong mundo ang nagluksa matapos kumalat ang balita na ang legendary NBA player na si Kobe Bryant ay pumanaw na. Papunta siya sa basketball practice kasama ang kanyang anak na si Gianna Bryant, at iba pa na nakasakay sa kanyang helicopter, nang bigla na lamang bumagsak ito sa Calabasas, California.
Nalungkot ang mundo sa biglaang pagpanaw ng NBA star na si Kobe Bryant. Bukod sa angking galing sa basketball, ang kanyang totoong pamana ay ang kanyang pamilya na pinagpala niyang itayo kasama ang kanyang asawang si Vanessa sa halos dalawang dekada. Sa kanilang pagsasama, nabiyayaan si Vanessa at Kobe ng apat na nagagandahang anak.
Sa biglaang insidenteng ito, naiwan ni Kobe ang kanyang asawa at tatlo pa nilang anak. Aminado si Vanessa Bryant na hindi madali ang pinagdadaanan nila ngayon, ngunit kailangan niyang lumaban para sa kapakanan ng mga anak niya, at dahil alam niyang ito rin ang gusto ni Kobe.
Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan rin ang 41-anyos na LA Lakers player ng isang mahalagang aral para sa lahat: maikli lang ang buhay. Pumanaw si Kobe kasama ang kanyang 13-anyos na anak na si Gianna. Dapat ay magba-bonding pa ang mag-ama sa basketball practice ni Gianna.
Mapait man ang sinapit nila, nakaka-touch namang isipin na sa mga huling sandali ni Kobe, kapiling niya pa rin ang mahal niya sa buhay. Hanggang sa dulo, pinatunayan ni Kobe Bryant na isa siyang mapamahal na ama na handang umalalay sa kanyang anak, ano mang oras.
Kahit pa nasa rurok na siya ng kasikatan, hindi pa rin nakakalimutan ng NBA star na gawing priority ang pamilya niya. Sa katunayan, kilala si "Black Mamba" sa kanyang pagiging family man. Si Kobe ang nagsilbing role model kung gaano kahalaga ang paglalaan ng oras para sa ating mga mahal sa buhay.
Ikaw, may napulot ka rin bang aral sa pagpanaw ng NBA Legend na si Kobe Bryant? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Ang Mahalagang Aral na Itinuro ni Kobe Bryant na Pagkawala Niya
Reviewed by Publisher
on
February 04, 2020
Rating:
Post a Comment