Mayor Isko, Balak Magpatayo ng 'Tondominium' Para sa mga Informal Settlers
Manila ang tinaguriang capital city of the Philippines. Marami itong naggagandahang tourist spots at historical sites. Sentro rin ang lungsod ng mga kalakalan at manggagawa, kaya naman hindi na nakakapagtaka na pangatlo ito sa pinakamayamang lungsod sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng lahat, marami ring kinakaharap na problema ang lungsod ng Maynila.
Isa sa mga namamayagpag na issue sa Maynila ay ang mga kakulangan sa maayos na tirahan. Partikular na sa Tondo, kung saan maramin squatters o informal settlers ang naninirahan. Dahil sa kahirapan, libo-libong pamilya sa Tondo ang walang maayos na tirahan.
Ngunit saan niya kaya balak i-relocate ang mga residente? Ayon kay mayor, maglalaan ng pondo ang pamahalaan upang gumawa ng mga in-city housing project na tatawaging 'Tondominium.' Malapit na rin itong magsimula, lalo pa't nakakuha na si mayor ng dalawang lote na may sukat na 3,000 square meters upang pagtayuan ng gusali.
"We're going to build Tondominium 1, Tondominium 2. We’re going to utilize whatever space that we have. Noong araw pag sinabi mong Tondominium patung-patong lang ‘yung bahay. The way it is being perceived can be utilized in our advantage."
Sa kabilang banda, good news naman ito para sa mga residente ng Tondo. Karamihan sa kanila ay nangangamba kung saan sila pupunta kung sakaling mademolish. Ngunit ang planong 'Tondominium' ni Mayor Isko Moreno ay nagbigay sa kanila ng pag-asa.
Sa tingin mo'y malulutas kaya ng proyektong ito ni Mayor Isko Moreno ang kakulangan ng tirahan sa lungsod ng Maynila? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mayor Isko, Balak Magpatayo ng 'Tondominium' Para sa mga Informal Settlers
Reviewed by Publisher
on
January 14, 2020
Rating:






Post a Comment