Buwis Buhay na Coverage ng Isang Reporter, Hinangaan ng mga Netizens
Hindi biro ang trabaho ng mga reporter at journalist. Lalo na ngayong mayroong sakuna sa Taal volcano, nanganganib ang buhay ng mga media para lamang mag-report ng balita. Sa ngayon ay tinagurian nang daner zone ang Taal dahil sa paglabas nito ng volcanic ash at lava, kaya naman hindi sigurado ang kaligtasan ng mga tao sa paligid nito.
Ngunit kahit delikado, sinusuong ng mga journalist at reporter ang panganib upang makapaghatid lamang ng balita sa mga tao. Kaya naman sa oras ng sakuna, maaasahan mo na mayroon laging reporter na handang magbigay ng update, kahit pa manganib ang kanilang pansariling kaligtasan.
Isang Kapamilya reporter ngayon ang naging usap-usapan sa social media matapos ang kanyang buwis-buhay na reporting sa News Patrol. Lumipad pa ang team ni April Magpantay sa Talisay, Batangas, para lamang magkaroon ng live coverage sa tuloy-tuloy na pag-alburoto ng bulkang Taal.
Sa ngayon ay inevacuate na ng pamahalaan ang residente na nakatira sa 14-km radius mula sa Taal volcano, kasama na ang Talisay, Batangas. Kaya naman nang mag-report si April, nagmistulang ghost town na ang lugar. Talagang nakakakilabot makita ang abandonadong lugar habang walang tigil ang pag-ulan ng abo mula sa kalangitan.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang naka-appreciate sa effort na ito ng reporter. Talagang hindi biro ang ginawa niyang pagrereport sa gitna ng kalamidad, kaya naman nararapat lang na parangalan siya. Inulan man siya ng abo habang nagre-report, ngayon nama'y inulan siya ng papuri mula sa mga tao.
Ngayon naman ay laging nagpapaalala ang Phivolcs at local government sa nakaambang pagsabog ng bulkang Taal. Itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 4, dahil tuloy-tuloy na ang paglalabas ng lava at volcanic ash ng bulkan. Maging alerto at mapagmatyag upang masigurado ang kaligtasan niyo at ng inyong pamilya.
Ikaw, humanga ka rin ba sa katatagan at katapangan ng reporter na ito na nagI-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Buwis Buhay na Coverage ng Isang Reporter, Hinangaan ng mga Netizens
Reviewed by Publisher
on
January 14, 2020
Rating:



Post a Comment