Kilalanin ang Lalaking May World Record sa Pinakamaraming Anak sa Buong Mundo
Ayon sa Bibliya, inatasan tayo ng Diyos na "humayo at magpakarami." Mukhang sineryoso ng lalaking ito ang utos na ito, dahil siya ang nakapagtala ng world record sa pinakamaraming anak sa buong mundo! Nakatira sa India ang lalaking ito kasama ang kanyang pamilya, na umabot na sa lagpas dalawang daang miyembro!
Kilalanin si Ziona Chana, ang lalaki mula sa India na nakapagtala ng natatanging record sa pinakamaraming anak sa buong mundo. Ayon sa official record, mayroon siyang 39 na asawa, kung saan nagkaroon siya ng 94 na anak at 33 na mga apo. Sa pangkalahatan, umaabot ng 166 na miyembro ang malaking pamilya ni Chana.
Dahil sa laki ng kanilang pamilya, kailangan rin nila ng malaking bahay. Sa unang tingin, mapagkakamalan mong malaking apartment complex ang building na ito sa Baktawng, Mizoram, India. Ngunit ang apat na palapag na building na ito ay ang tirahan ng napakalaking angkan ni Chana.
Ngunit kahit magkakasama sila sa iisang bubong, maayos ang pagsasama ng mga asawa ni Chana. Ang kanyang pinakaunang asawa, si Zathiangi, ang nagsisilbing 'family matriarch,' at siyang namamahala sa iba pang mga asawa ni Chana.
"Today I feel like God’s special child. He’s given me so many people to look after. I consider myself a lucky man to be the husband of 39 women and head of the world’s largest family," ito ang naging pahayag ni Chana sa kanyang interview sa Sun.
Ayon pa sa ibang asawa ni Chana, mabait at responsableng asawa at ama siya. Siya rin ay pinuno ng isang samahan kung saan hinihikayat nila ang mga kalalakihan na maghanap ng maraming mapapangasawa. Sa ngayon ay mayroong humigit kumulang na 4,000 miyembro ang organisasyong ito.
Sa laki ng kanyang pamilya, may balak na kayang tumigil si Chana sa pag-aasawang muli? Ayon sa kanya, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gugustuhin niya pang pumunta sa United States upang maghanap ng susunod na magiging asawa.
Namangha ka rin ba sa laki ng pamilya ng lalaking ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kilalanin ang Lalaking May World Record sa Pinakamaraming Anak sa Buong Mundo
Reviewed by Publisher
on
December 02, 2019
Rating:






Post a Comment