John Lloyd Cruz, Ibinida ang Kanyang New Look sa Kasal ni Vhong Navarro
Nobyembre 28 ang petsa ng nakatakdang kasal ni Vhong Navarro sa kanyang long-time partner na si Tanya Winona Bautista. Sa Kyoto, Japan ginanap ang event, kung kaya naman maraming artista ang lumipad patungong Japan para masaksihan ang pag-iisang dibdib ng host. Isa sa mga high-profile na bisita ng newlyweds ay ang dating Kapamilya star na si John Lloyd Cruz.
Maraming netizens ang nagulat at na-excite matapos makita ang ipinamalas na new look ni John Lloyd sa kasal. Talaga namang malayo ito sa rugged image ni John Lloyd na kumalat dati sa social media. Ngayon, mukhang ready na ulit sumabak ang aktor sa harap ng camera dahil sa kanyang nakakagulat na transformation.
Sa espesyal na okasyong ito, nakasuot ng formal black suit ang tie ang dating Kapamilya leading man. Clean-shaven na rin siya, hindi na katulad ng dati na mayroong balbas at bigote ang aktor. Mababakas din sa mukha ni John Lloyd na masaya siya para sa kanyang malapit na kaibigan na si Vhong.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nakapansin na tila mag-isa lamang umattend si Lloydie sa kasal ni Vhong Navarro. Sa ganitong special event, dapat ay ka-date ng aktor ang kanyang partner na si Ellen Adarna, ngunit no-show din ang aktres. Para sa iba, kumpirmasyon na ito na talagang naghiwalay na ang celebrity couple.
Kung inyong natatandaan, ilang buwan na ang lumipas nang pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz. Ayon sa mga showbiz insider, naghiwalay raw ang dalawa dahil sa kanilang hindi pagkakasunduan, na laging humahantong sa away. Nag-file pa ng temporary restriction order si Ellen laban sa aktor.
Gayunpaman, excited pa rin ang mga fans sa muling pagbabalik ng aktor sa showbiz industry. Kumalat rin ang bali-balita na may bagong pelikula itong pagbibidahan, ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni John Lloyd tungkol sa mga isyung ito.
Na-excite rin ba kayong makitang muli ang new look ni John Lloyd Cruz? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
John Lloyd Cruz, Ibinida ang Kanyang New Look sa Kasal ni Vhong Navarro
Reviewed by Publisher
on
November 29, 2019
Rating:





Post a Comment