After 10 Years, Vhong Navarro, Pinakasalan na ang Long-Time Partner na si Tanya Bautista


Si Vhong Navarro ang isa sa pinakasikat na male comedian sa Pilipinas. Noon pa man ay lagi na nating sinusubaybayan ang career niya, mapa-pelikula man o TV program ng ABS-CBN. Ngunit ngayong taon 2019, tunghayan naman natin ang isang importanteng kaganapan sa buhay ng Kapamilya star: ang kanyang kasal.

Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay naisipan na ni Vhong Navarro ang lumagay sa tahimik. Kamakailan lang ay ibinahagi ng "It's Showtime" host ang kanilang pag-iisang dibdib ng kanyang partner na si Tanya Bautista. At dahil matagal na nila itong pina-plano, talaga namang bongga ang event ng kanilang special day!


Sa Japan ginanap ang kasal ni Vhong at Tanya noong November 28. Of course, hindi makukumpleto ang kanilang pag-iisang dibdib kung wala ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Talaga namang star-studded ang event, na inattendan ng mga bigating artista tulad na lamang nila Billy Crawford, Ryan Bang, Kim Atienza, at John Lloyd Cruz!

Hindi mapigilang kiligin ng mga bisita sa tamis ng pag-iibigan ng bagong mag-asawa. Sa Instagram, nagbahagi si Kuya Kim ng video ni Vhong at Tanya na sumasayaw. Kitang-kita sa mukha ng newlyweds na masaya silang i-celebrate ang kanilang kasal kasama ang mga mahal nila sa buhay.




Matatandaang matagal nang nagsasama si Tanya at Vhong bago sila lumagay sa tahimik. Sino nga bang mag-aakalang 10 years na sila? Kahit na marami silang pinagdaanang kontrobersiya at problema, nanatiling matatag at mapayapa ang pagsasama ng dalawa. Hindi man masyadong publicized ang relasyon nila, sigurado namang masaya si Vhong at Tanya sa isa't isa.

Sa kabilang banda, nagparating naman ng kanilang mensahe ang mga netizens. Marami ang nagulat sa tila biglaang pagpapakasal ng aktor, dahil talaga namang hindi nila ito inaasahan. Gayunpaman, masaya pa rin sila at lumagay na sa tahimik ang "It's Showtime" host kasama ang babaeng mahal na mahal niya.




Masaya rin ba kayong masaksihan ang kasal ni Vhong Navarro at Tanya Bautista? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates sa iyong favorite celebrities, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
After 10 Years, Vhong Navarro, Pinakasalan na ang Long-Time Partner na si Tanya Bautista After 10 Years, Vhong Navarro, Pinakasalan na ang Long-Time Partner na si Tanya Bautista Reviewed by Publisher on November 28, 2019 Rating: 5