"I quit music"- Cebuana Singer Karencitta, Nagbabalang Titigil na sa Paggawa ng Kanta


Naaalala niyo pa ba ang kantang "Cebuana?" Taong 2017 nang inilabas ni Karencitta ang kantang ito, na tinaguriang nag-transform ng pop music sa Pilipinas. Ngunit dalawang taon matapos ang kanyang hit single, mukhang may balak ng huminto si Karencitta sa paggawa ng mga kanta. Ano kaya ang nag-tulak sa kanya na gawin ito?

Sumikat si Karencitta sa kanyang mga catchy hit songs katulad ng "BamBamBam," "Cebuana," at "IDK." Sa ngayon, mayroon siyang mahigit sa 244,000 subscribers sa Youtube! Isa sa mga pinakasikat na kanta niya ay ang "Cebuana," na ngayon ay umabot na sa mahigit 19 million ang views sa Youtube!



Kamakailan lamang ay naglabas ulit siya ng bagong album na "IDK." Ngunit mukhang ito na ang huling album na ilalabas ni Karencitta. Ayon sa singer, mapipilitan siyang mag-quit sa music industry kapag hindi nagbago ang kalakaran ng mga local radio stations.

"I think we should play more OPM on radio, Monday to Sunday, 24 hours on the clock. I swear if radio stations don’t do this by tomorrow (October 15), 'IDK' is gonna be my last single." Ito ang naging pahayag ni Karencitta sa isang interview.



Ngunit nagbunga ng iba't-ibang reaksyon ang pahayag na ito ni Karencitta. Maraming netizens ang sumang-ayon at nag-udyok sa mga radio stations na suportahan ang OPM. Sa kabilang banda, mayroon din namang naghayag ng kanilang saloobin tungkol sa music ni Karencitta:

"Make better music and music videos girl, your "Cebuana" music video even showcases other country, not Cebu, not even Philippines! What's it's difference with playing foreign songs on the radio?" Ito ang comment ng isa sa mga fans ni Karencitta sa Facebook.



Sang-ayon ka rin ba sa pahayag na ito ni Karencitta? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, wag kalimutang i-follow ang Daily Insights sa Facebook.
"I quit music"- Cebuana Singer Karencitta, Nagbabalang Titigil na sa Paggawa ng Kanta "I quit music"- Cebuana Singer Karencitta, Nagbabalang Titigil na sa Paggawa ng Kanta Reviewed by Publisher on October 18, 2019 Rating: 5