Sa Lahat ng Pwedeng Maging Karibal ng Babaeng Ito sa Kanyang Asawa, Kapatid Niya Pa Ang Tumalo Sa Mister Niya!



Iyak nang iyak si Irish San Gabriel nang lumapit ito sa palatuntunan ni Raffy Tulfo. At hindi natin siya masisisi, dahil talagang malungkot at mabigat ang problemang kanyang dala. Sanay na sanay na si Tulfo sa mga hinaing na tungkol sa kabit at pag-aagawan ng asawa. Ngunit ibang-iba ang kasong ito.

Kasal si Irish San Gabriel kay Michael San Gabriel na 28 years old. Sa ngayon ay mayroon na silang tatlon anak at may isa pa siyang pinagbubuntis. Hindi niya inaasahang mangyayari pa ito sa kanya. Ang problema, hindi estranghero o basta kapitbahay lang ang umahas sa kanyang asawa, kundi ang kanyang mismong nakababatang kapatid.


Si Janella Gutierrez ang nakababatang kapatid ni Irish. 18 anyos pa lang ito ngunit umibig na siya. Ang masakit nga lang, sa mister pa ng kapatid niya naramdaman ito. Ang depensa ni Janella, nahulog lang daw siya dahil sa mga galawan ni Michael. Binibigyan daw siya nito ng mga tsokolate at love letter, at lagi pa siyang kinakausap ng mga sweet nothings.

Dahil siguro sa mura nitong edad ay madaling nahulog ang loob ng bata, ngunit dapat sana'y naisip din nito ang saloobin ng mismo niyang ate. Ngunit sa tantya ni Tulfo, ang may pinakamalaking kasalanan sa sitwasyong ito ay ang lalaking si Michael.



May katwiran naman, sapagkat siya itong mas matanda at mas may isip. Hindi niya na dapat pormahan ang ibang babae, lalo na't kapatid pa ng kanyang misis! Ilang beses na raw pinag-usapan ng buong pamilya nila ang issue na ito subalit hindi naman tumigil sina Michael at Janelle sa paghaharutan.

Umabot na din daw sa puntong hindi na umuwi ang lalaki sa kanyang asawa. Halatang halatang sobrang sama ng loob ni Irish sa mga nangyayari, lalo na sa narinig sa mismong asawa't kapatid niya. Kung sa inyo mangyari ito, ano ang inyong magiging reaksyon?

Panoorin dito:



Source: Youtube
Sa Lahat ng Pwedeng Maging Karibal ng Babaeng Ito sa Kanyang Asawa, Kapatid Niya Pa Ang Tumalo Sa Mister Niya! Sa Lahat ng Pwedeng Maging Karibal ng Babaeng Ito sa Kanyang Asawa, Kapatid Niya Pa Ang Tumalo Sa Mister Niya! Reviewed by pinoy patrol on August 04, 2019 Rating: 5